[53] Lionel

3.5K 97 16
                                    

[53] Lionel


Love is indeed powerful. It can either build you or destroy you. In my case, my love for him built me into this kind of person: a brave one.

I am brave enough to love him. To choose him. But he let me go. Kung kailan kaya ko na. Kung kailan nagdesisyon na akong piliin siya at huwag nang matakot kay Auntie Red.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang huli kaming magkita ni Raziel. Sa ilang buwang iyon, ngayon ko lang din nakita sina Jagger at Pain. Bumisita sila sa bahay ni Levi rito sa Travia kung saan kami naninirahan ni Vaan.

Gulat na gulat ako nang makita sila. Pero wala nang mas tatalo sa gulat nila nang makita ang umbok sa aking tiyan.

Hindi ko na tinanong kung paano nila nalaman ang address ng bahay ni Levi dahil alam ko namang may kapatid silang hacker. Si Chrome Lionheart. Siya ang kapatid nilang alam ang lahat.

"You're pregnant?" Jagger asked, his mouth went agape.

Tumango ako. "Yes. I'm five months pregnant." Sabay ngiti.

"Who's the daddy? Is it my brother?" si Pain naman ang nagtanong.

Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. Siniko siya ni Jagger.

"Si Levi Kaiser ang tatay niyan. Sigurado ako..."

"Paano ka nakakasigurado?"

"Nasa iisang bahay sila. Imposibleng walang mangyari. At saka, ikakasal na sila."

Kung mag-usap sila ay parang wala ako sa kanilang harapan. Mahina akong tumawa.

"Paano kapag may nangyari sa kanila ni Kuya Raziel bago mamatay si Ellone? Bago mag emote 'yon at umalis?"

"Hindi sharp shooter ang kapatid nating 'yon. Ang galing naman niya kung makabuo agad siya ng baby." Nailing si Jagger at sumandal sa upuan.

Humalukipkip si Pain. "Wala ka bang bilib sa sperm cells ng mga Lionheart?"

Bigla akong namula sa sinabi niya. Tumikhim ako. Sa wakas ay tumigil sila sa pag-uusap na parang silang dalawa lang.

"Bakit pala kayo napadalaw rito?" mahinahon kong tanong, sigurado akong namumula pa rin ang mukha ko.

Ngumiti si Jagger. Napasandal din si Pain sa upuan. "Gusto lang namin kang makita. Ito kasing kapatid ko, namimiss ka na."

Suminghal si Pain at tumunghay sa pagkakasandal. Masama niyang tiningnan si Jagger. "Anong namimiss? Wala akong namimiss!" Sa akin niya binaling ang masamang tingin. "Hindi kita namimiss!"

Humalakhak si Jagger. "Defensive naman masyado 'tong kapatid ko. Totoo naman, hindi ba? Ikaw nga ang nagpumilit sa aking puntahan siya rito."

"Hindi lang ako ang may gusto nito!"

"Umamin din!"

Napabuntong-hininga ako sabay ngiti habang pinapakinggan ang dalawang Lionheart na nagtatalo. Namiss ko sila.

"Pati rin naman sina Kuya Irvine, nag-aalala kay Vivi, ah?"

Naubo ako. What?

"Irvine Lionheart? Bakit naman siya mag-aalala?" sabat ko.

Jagger gave me a warm smile. "Lahat kami nag-alala sa'yo. Noong namatay si Ellone, binaliwala ka na ni Raziel. Hindi ka na pumupunta sa mansion. Hindi ka na rin nababanggit ng kapatid ko. We want to apologize to you..." humina ang boses niya.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon