[56] Brainwashing

3.9K 107 13
                                        

[56] Brainwashing


Akala ko hanggang sa picture at video lamang namin ni Raziel ang kakalat. Nagkamali ako.

Some of the fans, even the reporters, already knew about my past. Iyong pagiging waitress ko sa isang coffee shop, ang pagiging singer ko sa isang grill bar and restaurant, ang hindi magandang relasyon namin ng kapatid ko kay Madam Red.

Lahat ng magaganda at pangit na bagay tungkol sa akin, kumalat sa iba't ibang online sites. Not even Levi nor Sin could stop it from spreading. Not even the management itself.

Kahit iyong mga bagay na maganda tungkol sa akin ay ginagawa nilang masama. Wala naman akong pakialam kung kumalat ang tungkol sa nakaraan ko. Hindi na ako natatakot malaman ang lahat sa akin basta huwag lamang nila idamay ang anak ko at ang mga taong malapit sa akin sa pagbato nila ng mga masasakit na salita.

Nakakadismaya. Nakakalungkot. Nakakatakot. Nakakasakit ng damdamin.

Pasikat pa lamang ako. Nagsisimula pa lamang ako pero nahahatak na ako pababa ng mga taong siyang ring sumusuporta at nagmamahal sa akin noong simula. Ang mga taong unang nakapansin at naniwala sa akin, sila rin ang nangungunang manira at manakit sa akin.

Hindi ko mapigilang tumawa nang mahina. Tumawa dahil sa dismaya.

"Hindi siguro para sa akin ang industriyang ito dahil napakahina kong tao. Sensitive ako..." sabi ko sa aking sarili.

"I know you've just started in achieving your dreams." Tumingin ako sa pumasok sa aking kwarto. Umupo si Levi sa gilid ng kama kung nasaan ako. "This industry that we are in is just too mess up. Why don't you just quit? Mag-aral ka muna ng kolehiyo."

"I signed a three-year contract with Sin. Baka kasuhan niya ako kapag umalis ako. At saka ilang buwan pa lang ako sa industriya. Masarap man sa pandinig ang umalis, ayoko pa rin. Gusto ko pa ring subukan." Ngumiti ako. "Where's Lionel? He's with Vaan?"

Levi nodded. Umiwas siya ng tingin. "I'm sorry."

"Hmm? Why are you apologizing?" Nagtataka ko siyang tiningnan.

"I was the one who gave you the push to enter showbiz." His voice laced with sadness and regret.

Inabot ko ang ulo niya at hinimas iyon. Medyo namilog ang mga mata niya nang sumulyap sa akin.

"Hindi mo kasalanan. Gusto ko ring subukan maging sikat, 'no. Ito kaya ang pangarap ko." I gave him a reassuring smile.

Mabilis niyang hinablot ang kamay kong humihimas sa kanyang ulo. "Don't treat me like a child."

"I'm not treating you like a child!" I laughed.

Levi sighed, a contented one. "That's better, Vivi."

"What's better?" I continued to laugh.

Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong pisngi. Nilapit niya ang mukha ko, dahan-dahan, sa kanyang labi at hinalikan ang aking noo. Tumigil ako sa pagtawa. Nakanganga akong pinanood ang ginagawa niyang paghalik sa lahat ng parte ng aking mukha. Ang mga pisngi ko, ang ilong ko, ang sentido ko, ang talukap ng aking mga mata, ang baba ko, ang gilid ng aking labi...

"This might be the last time I would be kissing you. Sinusulit ko lang," he whispered, his breath tickled on my skin. "I love the way you smile, my ex-fiancée."

Suminghap ako. Parang tambol ang puso ko kung tumibok. Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Nakakabigla ka naman, e!" Paniguradong namumula ang mukha ko.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon