[13] House of the Lionhearts
Nakakanta pa rin ako sa gabing iyon kahit pa binagabag ako ng aking konsensya dahil sa mga sinabi ko kay Ma'am Ellone.
Kahit pa pasimple akong umiyak kanina.
Kahit pa nasa counter si Ma'am Ellone at pinapanood ako sa lahat ng performance ko.
Nakakailang ang panonood na ginagawa niya sa akin. Para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw at kilos ko. Parang sinusubukan niyang basahin ang isipan ko. Para bang kinakausap niya ang kaluluwa ko sa pamamagitan ng kanyang mga matang nakikiusap.
Bakit nakikiusap ang mga mata mo, Ma'am? Bakit? Hindi mo na ako kailangan pakiusapan kung tungkol ito kay Raziel. Kung kailangan niya ako, kahit hindi niya sabihin, dadating ako at tutulungan siya. Mananatili ako sa kanyang tabi.
Hindi mo na kailangan makiusap pa. Pero kung ang ipapakiusap mo sa akin ay ang tanggapin si Raziel pagkatapos mo siyang ipamigay na parang isang bagay lang, hindi ko siya matatanggap. Hindi kita papakinggan.
Ang desisyon ay hindi manggagaling sa'yo, Ma'am, kung 'di kay Raziel. Kung ipagtutulakan at ibibigay mo siya sa akin, gusto ba niya iyon? Gusto niya bang mapunta sa akin?
Ikaw ang gusto at mahal niya. Ikaw, Ma'am. Hindi ako. Kailangan niya lang ako pero hindi niya ako mahal at papangarapin makasama.
"Good job!" nakangiting sabi pa niya matapos ang huling kanta ko.
Tipid na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. Balak niya pa sana akong kausapin pero agad akong nagpaalam.
"Salamat, Ma'am. Mauuna na po ako."
Napawi ang ngiti niya. "Vivi."
"Ano po iyon?"
Lumapit sa akin si Juno para ibigay ang mga papel na naglalaman ng mga kopya ng aking mga kinanta ko. Bilib ako sa galing niyang mag piano dahil kahit wala kaming practice na ginawa ay nakaya niyang sumabay sa pagkanta ko.
"Sa engagement party ko, pupunta ka, hindi ba?"
Tumaas ang kilay sa akin ni Juno. "Wala kang balak pumunta?"
"Ayaw ko po sanang pumunta. Pasensya na po."
"Ikaw lang ang hindi pupunta sa lahat ng mga singers ko..." nanghihinayang na sabi ni Ma'am Ellone. Mariin kong tinikom ang aking bibig. "Sayang naman, Vivi. May practice bukas ng gabi. Marami kayong kakantahin. Malaki rin ang talent fee niyo."
"Bakit ayaw mong pumunta, babe?" kunot-noong tanong na ni Juno. "Pumunta ka. Tapos kantahan mo ang mga bisita na may kasamang pag-iyak. Baka bigyan ka pa ng tip kapag nagalingan sila sa'yo. Baka kunin ka pa nga sa mga ibang events na pupuntahan nila."
Nagdadalawang isip na akong umiling. Gusto kong kumita ng pera pero kung ang kapalit noon ay ang makita ang mga taong nilalayuan ko, huwag na lang.
"The Lionheart brothers will be there," sabi pa ni Ma'am na para bang iyon na ang huling pag-asa niya para mapapayag ako. "Raziel will needs you."
"Hindi pwedeng hindi siya pumunta. Kahit pa si Ellone, ang babaeng mahal na mahal niya, ang bida sa engagement party na iyon, kailangan niyang pumunta. Lahat ng mga pamilyang mayayaman at namamahala sa Bayan ng Travia ay pupunta. Sa tingin mo, bakit ka kaya kakailanganin ni Raziel? Hindi niya kakayanin ang mga makikita niya, babe. Baka mabaliw iyon."
Pumikit ako nang mariin. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Tingin ko'y inaasa nila sa akin ang bagay na hindi ko naman hawak at mapipigilan.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."