[49] I Think I'm
Hindi pumunta ang fiancée ni Vaan. My brother's face was tight. Kahit tahimik lang siya at walang sinasabi, alam kong iritado na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.
"Tulungan ko na kayo," sabi ko sa mga kasambahay at pumunta sa sink.
"Ma'am, hindi na po! Trabaho namin 'yan!"
"Okay lang. Marunong ako nito. Sanay ako, hindi ba?" sabi ko sabay ngiti.
Nag-agawan pa kami sa paglalagay ng mga plato sa sink.
"Pero, Ma'am... trabaho po namin 'yan."
"Okay nga lang. Ako na ang gagawa nito. Gawin niyo na iyong mga naiwang trabaho niyo, kung mayroon man."
Sinimulan ko nang hugasan ang mga pinggan. Aapila pa sana ang mga kasambahay sa aking tabi nang biglang dumating si Levi, hawak ang isang flute na may lamang champagne. Ngumiti ako sa kanya pero nanatiling expressionless ang mukha niya.
"Let her be," sabi niya sa mga kasambahay.
Yumuko sila bago tumungo palabas ng kitchen.
"Naaalala mo ba noon?" panimula ko habang naghuhugas ng pinggan. Naglakad si Levi palapit sa akin. Sumandal siya sa sink habang pinapanood ako. "Kapag galit na galit si Auntie sa amin ni Vaan, hindi niya kami pinapakain. Kapag tulog na ang lahat, bumababa kaming magkapatid para kumain. Ayaw naming malaman ni Auntie na kumain kami kasi mas lalo siyang magagalit kaya naman natuto kaming maghugas ng pinggan para walang ebidensya." Tumawa ako.
He sipped his wine and quietly asked me. "Is that memory funny to you?"
"Kapag naiisip ko iyong mga pinagdaan naming magkapatid, napapangiti na lang ako. Noon, masakit pa. Ewan ko kung anong nangyari ngayon."
"Maybe you're healing."
Tiningnan ko siya at ngumiti. "Siguro nga. Isn't good?"
"Yeah. It's good."
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang pag-agos ng tubig sa faucet at kalansing ng mga babasaging pinggang hinuhugasan ko.
"Levi..." tawag ko. Naramdaman kong tumingin siya sa akin. Bumuntong-hininga ako. "Ano pala sabi ng management mo tungkol sa kasal natin? Iyong mga fans mo?"
"The fans don't know it yet," he answered. "My management, they have known for years I got engaged in a young age. Hindi lang nila alam kung sino iyong babae. Ngayon lang nila nalaman."
"Anong sabi nila?" I turned to him.
He sipped his wine again. "They seem quite pleased."
"Really? Hindi sila nagalit? Hindi ba naka-indicate sa contract mo sa kanila na hindi ka pwedeng magkaroon ng relationship o asawa?"
He shook his head no. "Walang ganyan sa contract na pinirmahan ko."
I nodded. Binalik ko ang aking tingin sa mga hinuhugasan ko. "How about your fans? Kapag nalaman nilang ikakasal ka nang biglaan, baka magalit sila. They will bash me, for sure."
"I don't care about them."
Napatigil ako sa paghuhugas. Matalas ang mga matang bumaling ako sa kanya.
"Levi! How can you say that?"
He shrugged, a blank expression on his face. "Kung hindi nila kayang tanggapin ang katotohanang magpapakasal ako sa babaeng mahal ko, they are not true fans."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."