[44] Welcome Back

3.4K 81 29
                                    

[44] Welcome Back


Nablangko ang utak ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang paulit-ulit.

What's happening to him?

Pain, again, successfully crushed his hot and trembling lips against mine. Napapikit ako sa diin ng kanyang paghalik sa akin. Tinulak ko ulit siya pero hindi ko na siya mapaalis sa harap ko.

"Sir Raziel! Si... Si Sir Pain!" natatarantang sabi ni Ezreal.

Nawala ang labi ni Pain sa akin. Suminghap ako at mabilis tinakpan ang aking bibig. Nakita kong hawak ni Raz ang kwelyo ng damit ni Pain at pinagsusuntok ito sa mukha. Nakadagan siya sa kanyang kapatid. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagiging bayolente ni Raz. May mga dugo na sa mukha at labi ang kanyang kapatid!

Tumatakbong pumasok si Jagger sa kitchen dahil na rin siguro narinig niya ang mga malulutong na mura ni Raz at pagkakabasag ng iilang mga display doon sa tuwing nagkakatulakan silang dalawa ni Pain. Mabilis hinila ni Jagger si Raz palayo sa nakababatang kapatid. Para lamang kaming estatwa ni Ezreal na nanonood doon.

"Raz! Calm down!" Pilit pinipigilan ni Jagger si Raz sa mga braso.

Namumula ang mga mata ni Raziel habang tinitingnan nang masama si Pain. "I'll kill that psychopath!"

Pain laughed evilly. I glanced at him, horrified. "Wow. Her lips tasted so fine!"

"You mother fucker psychotic child!" Binigwasan ni Raziel si Jagger sa tiyan para makawala sa pagkakahawak nito saka sinugod ang nakaupong si Pain.

Parehas kaming tumili ni Ezreal nang tumama ang ulo ni Pain sa pader noong itulak siya ni Raz nang malakas.

"Ezreal! Tawagin mo sina Kuya!" natataranta na si Jagger dahil kahit siya, hindi niya mapigilan si Raz.

Balisang umalis si Ezreal. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko. Hindi ko kayang pumagitna sa kanila upang pigilan si Raz. Napangunahan ako ng takot at bigla kaya ang tanging nagawa ko lamang ay manood.

Shit.

May dugong umaagos na sa ulo ni Pain. Puro galos ang kanyang mga mukha pero nakaya niya pa ring tumawa nang tumawa kaya mas lalong tumitindi ang galit ni Raz. Kailan man ay hindi ko nakitang gumanti ng suntok si Pain sa kanyang Kuya Raz. Tawa lang siya nang tawa at paminsa minsan ay tinutulak niya ito pero kung ikukumpara sa mga tulak na ginawa sa kanya ni Raz, walang wala iyon.

"Raziel and Pain, that's enough." A commanding and deep voice echoed in the kitchen.

Ngunit parang walang narinig si Raz. Kinakailangan pang hawakan siya sa magkabilang braso ni Irvine Lionheart at noong isang may mahabang buhok na umaabot hanggang balikat. He has a mole on the right side of his chin.

Padarag nilang nilayo si Raz sa nakababata at duguang kapatid. Agad siyang dinaluhan nina Jagger at Heavern para tingnan ang sugat, pasa, at pagdudugo ng kanyang ulo dahil sa pagtama niya kanina sa pader.

Tumawa ulit si Pain. "Wow! You're really in love with that girl, Kuya! I'm so amazed! You almost killed me because of her!"

"You fucking kissed her! Talagang papatayin kita!" Dinuro siya ni Raz, ang dalawang magkapatid ay nasa magkabilang gilid niya, pinipigilan siya sa pagsugod muli.

Narinig kong bumuntong hininga si Byron. "That's enough, you two." Malamig niyang tiningnan sina Jagger, Heaven, at Pain na nakasalampak sa sahig. "Tend to his wounds, Heaven. Jagger, don't ever leave Pain's side from now on." He then looked at Raz. Mabilis pa rin ang hininga niya at pulang-pula ang mga mata sa galit. Tiningnan niya si Byron at medyo kumalma siya kahit papaano. "You stay inside your room together with Vivi."

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon