[8] Lost In Your Eyes

4.1K 119 35
                                        

[8] Lost In Your Eyes


Posible pala ang ganitong pakiramdam, iyong ganitong sympathy na nararamdaman ko para sa kanya. Iyong makita ko palang siyang nasasaktan at nahihirapan, parang nasasaktan at nahihirapan din ako.

I can also feel his pain and agony by just looking at him.

And why did I cry the first time I saw him?

Baka naawa ako. Baka agad kong naramdaman ang pinagdadaanan niya dahil sa mga mata niyang nangungulila at nasasaktan. Baka nadala ako sa kanta ko kasi tugmang-tugma ang lyrics sa sitwasyon noong gabing iyon.

Baka kasi sa unang gabi pa lang na nakita ko siya, nahulog na agad ako. Mabilis at walang preno. Walang ginawang pagliko, pagbalik, at paghinto. Dire-diretso lang.

Isang mahaba at mabigat na buntong hininga ang ginawa ko. Sa gilid ng aking mata, nakita kong napatingin sa akin si Vaan. Nanatili lang ang paningin ko sa harap habang naghihintay ng tricycle na mapapadaan. Ito ang unang beses na sasakay kami ulit sa pampublikong transportasyon simula noong...

Isang buntong hininga ulit ang ginawa ko. Ilang beses ko na bang ginawa ito ngayong araw? Umagang-umaga, Vivi.

Wala si Raziel ngayon. Nakakapanibago at parang may kulang. Nasanay na akong pumupunta siya rito sa apartment umaga pa lang pero ngayon ay wala siya. Nag-alala ako saglit pero nang binalikan ko ang nangyari kagabi ay nawala ang pag-aalala ko at napalitan iyon ng kirot sa aking dibdib.

Oo nga pala. Ang sabi niya sa akin kagabi, habang nakapatong ang mukha sa mesa at nakasabunot ang mga kamay sa buhok, kukunin niya pabalik si Ma'am Ellone.

May dumaang tricycle sa aming harapan at pinara iyon ni Vaan. Kahit malalim ang iniisip, nagawa ko pa ring sumakay sa loob nang hindi nauuntog o natatalisod.

"Hindi ba ay mamaya pa ang pasok mo? Maaga pa..." sabi ko bigla nang mapansing katabi ko ang kapatid ko, nakabihis, suot ang malaking backpack, at hawak ang malaking t-square.

Bakit ngayon ko lang ito napansin nang lubos? Mamaya pa ang pasok niya.

Natawa siya pero ang mukha niya ay sarkastiko. "Ngayon mo lang napansin, Ate? Ang lalim kasi ng iniisip mo. Papasok ako nang maaga dahil pupunta akong library at may hahanapin ako roong libro."

Napaismid ako sa unang sinabi niya. "Bakit nandito ka? Magkaiba ang daan ng university mo at sa coffee shop. Bababa ako at hahanap na lang ng ibang tricycle-"

"Ihahatid kita sa coffee shop at baka mapano ka pa. Wala ka sa sarili mo." Tumaas ang kilay niya. "Hinahanap mo siya? Nasaan ba siya? Himala at wala siya ngayon," sabi niya sa naninimbang na tono.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ako nakasagot. Anong sasabihin ko? Na kay Ma'am Ellone si Raziel? At ano? Pagkatapos ay pagsasabihan na naman niya ako ng mga kung anu-ano. Ayokong makarinig ng sermon ngayon sa nakababata kong kapatid.

At isa pa, hindi ako sigurado kung totoo ngang kasama ni Raziel si Ma'am Ellone. Ang ideyang ito ang nagpagaan kahit papaano ng dibdib ko habang nagtatrabaho ako.

"Bakit wala ang buntot mo ngayon?" taas-kilay na tanong ni Bianchi.

Hindi lang siya ang naghanap kay Raziel, kung 'di pati sina Ma'am Laurae, Gelo, at iba pang katrabaho.

"Busy, e." Ngiting-ngiti ako sa kanila para wala silang mapansing kakaiba sa akin.

"Bukod sa pagsunod sa'yo, ano pa ba ang ginagawa niya sa buhay? Wala akong alam sa kanya, sa totoo lang. Siya kasi iyong tipo ng Lionheart na super lowkey."

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon