[4] Ten-minute Break
He already took my first kiss. And now, my second kiss, too.
Ayokong bigyang malisya iyong mga halik niya dahil pinaparamdam naman niya sa aking wala. Na iyong mga halik niya, hindi para sa akin, kung di para kay Ma'am Ellone na miss na miss na niya.
Kung tutuusin ay dapat magalit ako sa kanya dahil ginagamit at pinaglalaruan niya ko pero wala akong maramdaman kung di awa. Awa para sa kanya. Awa para sa puso niyang nangungulila. Awa para sa mga mata at labi niyang may palaging hinahanap.
"Nag breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya kinaumagahan noong pumunta siya sa apartment namin.
Makahulugan akong tinitingnan ni Vaan. Medyo magkasalubong ang kilay at kunot ang noo ng aking kapatid. Hindi ko pinapansin ang ekspresyon niya. Nakangiti lang ako kay Raziel na nakatayo sa sala namin at nakatingin din sa akin.
"I don't eat breakfast," malamig na sabi nito.
Umismid ako sa kanya. Kahit may ilang akong nararamdaman dahil hinalikan niya ako kagabi, binaliwala ko iyon.
"Hindi makakaalis sa apartment na ito ang kung sino mang hindi kumain ng breakfast," nakangiti kong sabi.
"Coffee is fine."
"Hindi pwede. Kumain ka na." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso para hatakin papuntang mesa. Napatitig siya sa kamay kong nasa braso niya. Lumunok ako. Para akong napapaso pero hinawakan ko pa rin siya. "Kung ayaw mong kumain ng breakfast, huwag ka na ulit pupunta rito."
"Is that a threat?" tanong niya, sa kamay ko pa rin nakatingin.
"Hindi, Raziel. Hindi ako mahilig magbigay ng threat. Gusto ko lang kumain ka. Hindi puro kape at alak. Alagaan mo nga ang sarili mo."
Ang tawagin siya sa kanyang pangalan ay nagbigay ng kung anong kakaibang pakiramdam sa akin. Ito ang unang pagkakataong tinawag ko siya sa pangalan niya.
Napatingin siya sa akin. Tumitig tapos umirap.
"Whatever," medyo masungit niyang sabi bago tumayo at naunang pumunta sa mesa.
Sumilay naman ang matagumpay kong ngiti. Napawi lang iyon noong makitang nakangiwing nakatitig sa akin si Vaan.
Ganoon ang set-up namin ni Raziel sa buong linggo. Umagang-umaga ay pumupunta siya sa apartment, sabay-sabay kaming kakaing tatlo ng breakfast, sasakay kami sa black Corvette niya at ihahatid muna si Vaan sa university pagkatapos ay pupunta kami sa coffee shop, tatambay siya roon at panonoorin akong magtrabaho.
Nakakailang pero unti-unti na akong nasasanay sa presensya niya sa loob ng coffee shop. Sa mga titig niya na lang ata ako hinding-hindi masasanay. Panay ang kabog ng dibdib ko kapag nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Parang tatakas naman ang puso ko sa dibdib kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Tuwing Monday, Wednesday, at Friday naman ay sumasama rin siya sa akin sa gig ko sa grill bar and restaurant. Pero doon na tumitigil ang titig niya sa akin. Kapag nasa stage ako, nasa mga alak sa kanyang mesa lang siya nakatingin buong magdamag. Wala na ang mga itim niyang mata sa akin. Tumitigil na siya sa panonood sa bawat kilos at galaw ko.
When I'm on the stage, I always feel like I'm not existing. He doesn't look at me. His eyes are not on me. Nagpapakalunod na siya sa mga alak at sa mga alaalang paniguradong gustong-gusto niyang balikan at mangyari ulit.
Tuwing nasa stage ako, hindi ko alam pero palagi kong pinagdadasal na sana bumilis ang takbo ng oras at matapos na iyong gig ko at umuwi na kami.
Kapag natatapos ang gig ko, hinahatid niya ako sa apartment pero hindi na kumakain at tumatambay kagaya ng ginagawa niya kapag wala akong gig. Umaalis na siya... siguro umuuwi na o kaya naman ay bumabalik sa grill bar and restau para uminom ulit. Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."