[37] Going in Circles Again And Again

3.7K 94 28
                                        

[37] Going in Circles Again And Again


Namawis ang mga kamay ko habang nakatingala kay Levi. Walang ekspresyon siyang nakatingin sa likuran ko. Kay Raziel. Nakapamulsa siya. Ang paraan ng pagtayo niya ay nakikitaan ko ng lakas at yabang. Malakas si Levi pero kailan man ay hindi ko nakitaan ng yabang sa katawan. Ngayon lang.

"Levi," mahinang tawag ko ulit sa kanya, medyo nanginig ang boses sa kaba.

Lumipat ang tingin niya sa akin. Ang kulay itim sa ilalim ng mga mata niya ay nagpapahayag na palagi siyang kulang sa tulog dahil sa propesyong pinili.

"We need to talk," sabi niya sa boses na mariin at malamig.

Sumulyap ako kay Raziel. Nanatili siya sa aking likod, ilang metro ang layo sa akin. Nakatitig lamang siya kay Levi, nakakunot nang bahagya ang noo.

Bumalik ang tingin ko kay Levi. "Bakit? Para saan?" Luminga-linga ako. "Baka may paparazzi sa paligid. Sikat na artista ka. Bakit hindi ka nag-iingat?"

"We need to talk. Alone, Vashti," mas mariin at malamig niyang utas.

Sa totoo lang ay naninibago ako sa kanya. Noon, hindi niya ako tinatawag na Vashti. Puro Vivi. Vivi. Siya ang nagpalayaw sa akin no'n. Ngayon, anong nangyari? Bakit Vashti na lang?

May panghihinayang akong naramdaman sa kalooban ko.

"T-Tungkol ba saan?" tanong ko at sumulyap ulit kay Raziel.

"Kailangan nating mag-usap tungkol sa nalalapit nating engagement."

Malakas akong suminghap. Mabilis kumalat ang kaba at takot sa buong sistema ko.

"Tsss. Akala ko ba ay hindi ka magpapakasal sa kanya?" tanong ni Raz at tumabi na sa akin.

Wala talaga akong balak magpakasal sa kanya!

Sa isip ko lamang ito nasabi.

"Hindi lang 'yon ang kailangan nating pag-usapan. Marami pa, Vashti."

"Anong marami pa? Wala kayong pag-uusapan. Tapos."

Gulat akong tumingin kay Raz. Sobrang sungit niya ngayon! Salubong na salubong ang mga kilay niya. Samantalang si Levi, diretso lang ang tingin sa akin. Hindi niya pinapansin si Raz.

Nagkatitigan kami ni Levi. Kahit walang pinapakitang ekspresyon ang mukha niya, nababasa ko nang kaunti ang pinapahayag ng mga mata niya. May gusto siyang sabihin sa akin. Marami. At importante.

Hindi ko mabasa si Levi pero himala ata ngayon ay nagawa ko?

Bumaling ako kay Raz. "Mauna ka na..." mababang boses kong sabi.

Naging mabilis ang paglingon niya sa akin, medyo gulat. "What?"

"M-May pag-uusapan lang kami."

"Pinapaalis mo ako?"

Umiling ako. "Hindi sa ganoon. Pinapauna lang kita. Mukhang may importanteng sasabihin sa akin si Levi."

"Ginagawa mo ito kasi iniiwasan mo ako," he concluded. Napanganga ako. Tama siya pero grabe ang pagiging straightforward niya ngayon! "Ngayong nakabalik na ang fiancé mo, tinataboy mo na ako?"

Anong nangyayari sa'yo, Raz?! Bakit feeling ko... Bakit....

Namula ako sa mga sinasabi niya.

"Hindi kita tinataboy! Kung gusto mo ay dito ka lang. Maghintay ka. Doon kami ni Levi sa sasakyan niya mag-uusap..."

Eyes On MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon