[45] Braver But Still A Little Scared
Sabay kaming tumingala ni Vaan nang unti-unting bumukas ang matayog at malaking kulay abong gate ng aming mansion. Hindi pa man tuluyang nakakapasok ang sasakyan ni Levi, para na akong mahihimatay sa kaba.
Isa't kalahating taon din ang nakalipas simula noong huli kong makita ang lugar na ito. Nagkasulyapan kami ni Vaan. Ang dalawang security guard sa gate ay nakita namin. Halos maluha ako nang makita ang mga pamilyar nilang mukha. Hindi ko magawang maging masaya. Naluluha ako sa sakit ng mga alaalang bumabalik sa akin.
Lumunok ako. Naramdaman kong nanginig at namawis ang mga palad ko. Dumiretso ang sasakyan ni Levi sa mahabang driveway papuntang mansion pagkatapos sumaludo ng dalawang security guard.
Hanggang ngayon ay sila pa rin ang nagbabantay sa aming gate. Sumikip ang aking dibdib.
Malayo pa lamang ay nakikita ko na ang mga nakalinyang trabahador namin. Ang mga kasambahay na nakasuot ng pare-parehas ng uniporme, ang mga nakaitim na bodyguards, ang mga gardeners, ang mga chefs, ang butler... pati ang mga personal guards namin ay naroon!
Nahigit ko ang aking hininga. Napatingin si Levi sa akin nang ihinto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng mga nakalinyang trabahador.
"Relax," he causally said.
Hindi pa kami lumalabas ng sasakyan, biglang bumukas ang main door ng mansion. Nauna ang dalawang nakaitim na body guards pagkatapos ay sumunod si Madam Red. Makita ko pa lamang ang pulang-pula niyang labi ay para na akong aatakihin sa puso dahil sa takot.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong tama itong naging desisyon ko. Kahit gaano pa ako natatakot, ito ang dapat kong gawin. Balang araw, alam kong haharapin ko rin ang mga tinakasan ko. Kaya mas mabuti nang ngayon ko sila harapin kesa patagalin pa.
I decided to be brave. There's no turning back now, Vashti.
Nang imulat ko ang aking mga mata, nagkatinginan kami ni Levi. He held my hand and said the magic words that I really need right now.
"I'm here. Don't worry."
I gave him a strained smile.
Nang lumabas kami ng sasakyan, sabay-sabay yumuko ang mga trabahador. Ngunit ang ilan sa kanila ay patagong tiningnan kami. Ngumiti ako sa kanila nang magtama ang mga paningin namin. Nakita kong ang pinaka matagal naming mga trabahador ay mangiyak-ngiyak nang makita ako.
Parang pinipiga ang puso ko dahil doon. Nag-init ang aking mga mata kaya minabuti ko na lamang umiwas ng tingin. Nanghina ako.
A warm arm snaked around my waist. I glanced at Levi beside me.
"You're finally here with me again, Vivi," he breathed. "Just like the old times."
Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong umiyak sa maraming rason. Pero ang mga luha kong nagbabantang tumulo ay umurong nang marinig ang nakakatakot na takong ng sapatos ni Madam Red. Naglakad siya papunta sa harap namin.
"Welcome back!" maligaya nitong bati, sobrang laki ng ngiti. Nakita kong taas-kilay niyang sinulyapan ang braso ni Levi na nakapulupot sa akin bago ulit nagsalita. Ang mga kumikinang niyang mata ay nakatuon na kay Vaan. "Vontelle, you should rest now. Later, you will meet your fiancée. Be sure to prepare yourself!"
Namilog ang mga mata ko. Nakaawang ang bibig, tumingin ako sa aking kapatid. Akala ko ay parehas kami ng ekspresyon—gulat at hindi makapaniwala. Pero mali ako. Vaan was just staring blankly at Madam.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Художественная прозаThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."
