[30] Rebound

3.8K 102 51
                                    

[30] Rebound


Marahan kong tinulak si Raz palayo. Pinilit niyang abutin ulit ang labi ko para halikan pero tinulak ko lang ulit siya nang marahan. Sa gilid ng mata ko, nakita kong nakasulyap sa amin si Pain. Pinapanood niya kaming naghahalikan!

"Raz..." tawag ko para makuha ang atensyon niya.

"Hmm?" nakapikit pa rin siya at pilit inaabot ang labi ko.

"Si Pain..." nahihiya kong sabi.

Dumilat siya. Namumungay ang mga matang tumingin siya kay Pain. Kinagat ko ang labi kong parang namamaga na dahil sa halik ni Raz.

"Bakit ka nakatingin?" tanong niya at bigla akong nahiya. Bakit kailangan niya pang itanong iyon sa kapatid niya?

Umiling si Pain. "Wala. Magaling ka pala humalik, Kuya?"

Tinakpan ko ang mukha ko. Ano bang sinasabi niya? Nakakahiya!

Narinig kong tumawa si Irvine. "Magagaling humalik ang mga kuya mo, Pain."

"Tsss. Hindi pa kita nakikitang humalik kaya hindi ko pa masasabi kung magaling ka," sabi ni Pain.

Tumawa na lang ulit si Irvine at hindi na sumagot pa.

"Sa susunod ay huwag kang titingin kapag may naghahalikan," sita sa kanya ni Raz.

"Hindi ko mapigilan. Nasa likod lang kayo at medyo malikot. It's distracting, Kuya."

Oh my God!

"Whatever, Pain. Just... don't mind us," Raz said dismissively.

Kinuha ni Raz ang kamay ko at pinaglaruan na lang iyon. Tumingin na lang ako sa bintana, nag-iinit pa rin ang mukha.

Kusang bumukas ang malaking gate ng House of the Lionhearts pagdating namin. Hindi ko alam kung automatic iyon o may nagbukas. Ngunit noong dumaan ang sasakyan naming ay wala naman akong nakitang tao. Siguro ay automatic nga talaga iyon.

Noong unang punta ko rito, kilabot ang naramdaman ko. Ngayon, ganoon pa rin habang nilalandas namin ang madilim at mapunong daan papunta sa mansion nila. Pumarada ang sasakyan sa malawak na parking lot. Inikot ng mga mata ko ang hindi mabilang na iba't ibang sasakyan doon.

"Halika na..." mahinahong sabi ni Raz at saka nilagay ang isang kamay niya sa likod ng tuhod ko at ang isa naman ay sa aking likod para buhatin.

Kinagat ko ang labi ko at siniksik ang mukha sa dibdib niya nang sabay na tumingin sina Irvine at Pain sa amin.

"Sa kwarto mo ako matutulog?" tanong ko nang magsimula kaming maglakad papasok sa mansion nila.

"Oo..."

"Ayaw ni Vaan na matulog ako roon."

"Wala naman siya ngayon dito. Hindi niya malalaman. Sinabi ko sa kanyang sa guest room ka matutulog."

Pagpasok namin ay dumiretso si Raz sa sala. Nilapag niya ako sa malaki at mukhang mamahaling couch doon habang sina Pain at Irvine ay dumiretso agad paakyat.

"Kuya Irvine, can you call Heaven for me? Pakisabi ay may ipapagamot ako sa kanya," sabi ni Raz at tumabi sa akin.

Heaven? Sino iyon? Kapatid niya ulit?

"Alright..." Tumango si Irvine at ngumiti sa akin.

Tipid at pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. Hindi pa rin matanggal sa isip ko iyong ginawa niya sa apat na lalaki kanina. Parang gusto kong masuka at mahimatay tuwing naaalala ko iyon.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon