[16] Request
"She's not also yours to touch."
Mabilis tinanggal ni Levi ang pagkakahawak ni Raziel sa akin. Hindi lang ako ang napasinghap, lahat na mga nakakakita sa eksena namin. Ang iba'y napatigil na sa pagkuha ng litrato dahil sa bigla at kuryoso sa nangyayari. Si Bianchi sa aming tabi ay laglag panga na. Siya lamang kasi ang nakarinig sa sinabi ng dalawa.
"What?" parang na-offend na tanong ni Raziel.
Bahagyang nalukot ang kanyang mukha habang mariing tinitingnan si Levi. Hirap na hirap akong lumunok. Kumakabog nang husto ang dibdib ko sa kaba dahil sa dalawang ito!
Sinubukan kong tingnan nang matalas si Levi. Bumaba ang tingin niya sa akin. Hindi man lang siya natinag sa klase ng tingin ko.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ngumiwi ako dahil sa kirot na naramdaman ko nang magtagumpay.
"You're really stubborn," he said emotionless.
Wala akong magawa kung 'di ang tingnan siya nang matalas. Bumalik ang mga mata niya kay Raziel. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa dahil tahimik lang silang nagtititigan, like there's something silent and cold war going on between them.
Mukhang wala silang balak bumitiw sa titigan kaya humarap ako kay Levi.
"You still have work. M-Maybe you should get prepared," nanginig ang boses ko nang mabilis niyang binaba ang tingin niya sa akin at nakitaan ko ng iritasyon ang mukha niya.
That expression... sobrang dalang ko lang makita iyon sa kanya kaya nabigla ako.
I've known Levi Kaiser as a fighter. He knows lots of martial arts because it's their family's business. Sikat ang pamilya nila sa pag produce ng mga taong nilalaban sa mixed martial arts contest sa buong mundo.
Hindi ko alam kung paanong ang isang katulad niya ay naging artista dahil kung titingnan ay wala sa itsura niya ang maging celebrity. He doesn't show any emotion. He doesn't smile at his fans. He has a stoic and cold face. Paanong napasok siya sa industriyang ito? I mean, yes, he's fearfully handsome. He got the looks, height, body figure, talent and skills for a celebrity. Pero hindi niya binibigyan ng atensyon ang mga taong humahanga sa kanya.
Gusto kong malaman kung bakit pumasok siya sa industriyang ito kung hindi naman pala siya marunong makisama sa mga fans niya. It's sad and pitiful.
"We're not done yet," he whispered the words to me like he didn't want anyone to hear it.
Pumalo nang sobrang bilis at lakas ang puso ko. Pakiramdam ko'y may sasabihin o gagawin pa siyang hindi ko magugustuhan mamaya.
Kahit wala na si Levi sa aming harapan at bumalik sa loob ng van para maghanda, nakatingin pa rin ang mga tao sa akin. Naiilang ako. Ang mga klase ng tingin nila ay para bang gusto nilang magtanong sa akin nang tungkol sa nangyari at bakit ganoon si Levi sa akin pero hindi nila magawa dahil sa lalaking nakatayo sa aking likuran.
"Is that Levi Kaiser?"
Dahan-dahan akong humarap kay Raziel. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagbalik ni Bianchi sa counter para maiwan at makapag-usap kaming dalawa.
"Y-Yes..." nanginig ang aking boses.
He looked offended. "What's his relationship with Accel Kaiser?"
I don't want to answer his question dahil kapag ginawa ko iyon, natatakot akong madagdagan pa ang tanong niya at malihis pa ang kuryoso niya sa akin.
I don't want him to know about my past life.
Moreover, I don't want to lie to him.
So I told him the truth.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."