[26] Can I

3.4K 111 21
                                    

[26] Can I


Nakakapagtaka.

Nakakapagtakang walang lumalabas na balita tungkol sa pagiging parte ko sa tanyag at maimpluwensiyang pamilya Azcarraga. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang magkita muli kami ni Madam Red sa engagement party ni Ma'am Ellone. Ilang araw simula nang malaman ng iba ang katotohanang fiancee ako ni Levi Kaiser.

Pero bakit walang pumuputok na balita tungkol doon? Naisip kong baka may ginawa si Madam Red o si Levi para hindi lumabas ang balitang iyon. At isa pa, ang mga taong dumalo sa engagement party na iyon ay walang panahon para sa balitang iyon...

Maliban na lamang sa mga katrabaho ko sa grill bar and restau. Pansin ko ang mga kuryosong tingin nila sa akin simula nang malaman nila ang pagiging pamangkin ko ni Madam Red at pagiging fiancee ng nag-iisang Levi Kaiser. Halata sa mga tinginan nilang gusto nilang magtanong tungkol sa katotohanang iyon pero pinili na lamang nilang manahimik. Naging mailap sila sa akin. Para bang sa mga paningin nila, hindi ako dapat nilalapitan dahil iba ako. Hindi dapat basta-basta nilalapitan o hinahawakan o kinausap.

Maliban na lamang kay Karin na parang walang pakialam sa totoong pagkatao ko.

"Bakit ba tawag nang tawag sa'yo si Juno ng babe? Babe ka ba niya? Bakit hinahayaan mo? Baka magalit si Raziel Lionheart niyan!" sabi niyang may kasama pang mahinang hampas sa aking braso.

Ngumiwi ako at hinimas ang brasong palaging puntirya ni Karin kapag nag-uusap kami. "Bakit naman siya magagalit?"

"You're his woman now! Huwag mong sabihing hindi? Ang landi-landi niyo palagi ni Raziel Lionheart tuwing may gig ka rito! And I saw you two kissed at the parking lot last last night!"

Nanlaki ang mga mata ko. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin kay Karin. Inasar asar niya ako sa pamamagitan ng pagtusok sa aking tagiliran.

Naalala ko ang gabing iyon. Raziel suddenly kissed me torridly on my lips. I don't know why he did that to me but it made my heart soar in happiness. Hindi ko siya nahalikan pabalik dahil sa gulat at sa mabilis at nakakayanig na pagtibok ng puso ko. Ang tanging sinabi niya pagkatapos akong halikan ay...

"You were so beautiful on that mini stage, Vivi. I love it when you sing your heart out while tenderly looking at me."

Wala sa sariling hinawakan ko ang aking labi nang maalala ang halik niyang mapusok.

"Landi!" Isang hampas na naman sa aking braso ang ginawad ni Karin. Nangingiti ko siyang tiningnan kahit nakaramdam ako ng hapdi sa ginawang paghampas niya. "Sabihin mo kay Juno, huwag ka nang tawaging babe! Ako na lang!" Bigla siyang tumawa.

Nalaglag ang panga ko. "May gusto ka kay Juno?"

"Sinong hindi magkakagusto sa kanya? Ang hot kaya niya! Tapos iyong mga mahahaba at talented niyang daliri? Oh shit!" she shrieked. "Lahat kaya kaming babaeng singer dito ay palagi siyang hinuhubaran sa isip! Pangarap naming tawaging babe ni Juno Rejante! Ang swerte mo, girl! Kainis!" Natatawang umirap siya sa akin.

Hindi ako makapaniwalang inikot ang tingin sa loob ng dressing room. Nakita kong namumula na ang mga pisngi ng mga katrabaho kong singer din dito. Kung hindi pa sinabi ni Karin ay hindi ko malalamang may pagtingin silang lahat kay Juno. Masyado bang sa iba napokus ang atensyon ko na hindi ko napansin ang ibang detalye sa aking paligid?

"May Raziel Lionheart ka na! Sa amin na si Juno!" sabi pa ni Karin at inalog alog ang aking balikat. "Please, Vivi! Sabihin mo tawagin din kaming babe!"

Tumango lamang ako nang tumango sa mga hiling niya. Nahihilo ako sa walang patawad niyang pag-alog sa aking balikat.

Tapos na ang gig ko kaya nag-aayos na lamang ako ng gamit para makauwi na. Sinusuklay ko ang aking buhok dahil nagulo iyon sa ginawang pag-alog sa akin ni Karin habang palabas ng dressing room. Naabutan ko si Raziel na nakahalukipkip at nakasandal sa dingdin paglabas. He's waiting for me again like he always do whenever I'm done with my gig!

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon