[46] Of Favors, Personalities, and Pasts
"Don't you think it's about time to tell me about your past?"
Nilingon ko si Raz. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang paakyat kami sa hagdan ng kanilang mansion. Katulad ng nakasanayan, madilim, walang tao, at tahimik ang loob nito.
"Kapag sinabi ko ba 'yong akin, sasabihin mo rin ang sa'yo?"
Napalingon siya sa akin. Bumagal ang pag-akyat namin ng hagdan. "The question is, are you interested about my past?"
"I'm interested in every fiber of your being," I said and smiled.
He smiled, too. "You're cheesy."
Marahan niyang hinatak ang kamay kong hawak niya para mapalapit ako sa kanya. Nagkatamaan ang balikat namin. Parehas malaki ang ngiti sa isa't isa.
"Kuya..."
Napahinto ako sa pag-akyat kaya natigil din si Raz. Tumingala kami sa tumawag sa kanya.
"Pain..." Napalunok ako.
Hindi niya ako sinulyapan. He didn't acknowledge my presence in front of him. Nakatuon lamang ang mga inaantok niyang mata kay Raz.
"What?" Raz snapped at him.
"Tawag ka ni Kuya Byron," sabi niya lang at saka kami nilagpasan upang makababa ng hagdan.
Wala sa sarili kong hinawakan ang aking labi. Naalala ko iyong araw na hinalikan niya ako. Nang maramdaman kong lilingon si Raz sa akin, tumikhim ako at agad inalis ang mga daliri sa labi.
"I will go see Kuya Byron for a moment. Mauna ka na sa kwarto ko." Ngumiti siya at inayos ang mahaba ko ng bangs. He tucked it on my ear. He leaned forward and gently kissed my forehead. "Magpapadala ako ng pagkain kay Ezreal sa kwarto."
Ngumiti ako at tumango. Isang beses kong sinulyapan ang daang tinahak ni Pain. "Kumusta na si Pain?"
"Bakit mo tinatanong?" Kumunot ang noo niya. "Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo? Umiinit pa rin ang ulo ko kapag naaalala ko ang ginawa niya. I'm just being considerate. But the truth is, I wanna punch his face again."
"Raziel... huwag kang magsalita nang ganyan. Sabi mo ay inatake lang siya ng sakit niya? Just understand him. He's the youngest in the Lionheart Brothers. Siya ang baby niyo kaya dapat ay inaalagaan at pinoprotektahan mo siya."
Nalukot ang mukha niya. "Baby? Hindi na siya baby. Matanda na ang lalaking 'yon. Iba ang baby ko."
"Sino naman?" Ngumuso ako.
Bigla siyang ngumisi. Kinurot niya ang ilong ko. "Ikaw..."
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Para akong pinapainitang kawali.
"Umalis ka na... Baka inaantay ka na ni Kuya Byron mo..." Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ng aking mukha.
He chuckled, a sexy one. "You're cute, love." He then kissed my cheek.
Pinaulanan pa ako ng mga halik ni Raz sa mukha bago ako paunahing papasukin sa kanyang kwarto. Hiyang-hiya man ako sa ginawa niya sa akin sa mismong gitna ng kanilang hagdan, hindi ko maipagkakailang masaya ako.
I tapped my cheeks after I closed the door of his room. Mabilis kong napansin ang dingding niyang malinis, na noon ay puno ng mga larawan nila ni Ellone. Dumagundong ang puso ko nang lumapit ako roon upang hawakan ang malinis na dingding. Baka kasi namamalik-mata lamang ako!

BINABASA MO ANG
Eyes On Me
Ficción GeneralThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."