[47] A Series of Sullen and Unpleasant Events

2.9K 76 13
                                    

[47] A Series of Sullen and Unpleasant Events


"Vontelle, nasaan ba sina Mommy at Daddy?! My performance will start in ten minutes! Where are they?!" asik ko sa aking kapatid sa cellphone.

Ang putig dress ko'y nalulukot ko na dahil sa paulit-ulit kong pagkuyom ng kamao sa inis. Doon ko na lamang binabaling ang iritasyon ko.

"Ate, they are not coming. Mom's having a seizure right now," natataranta niyang sagot.

Napamaang ako. Dumaan ang pag-aalala sa aking dibdib pero agad din iyong natabunan ng iritasyon nang makita kong pumasok ang batang babae sa backstage kung nasaan ako. Katatapos lang niyang tumugtog ng cello sa harap ng maraming tao.

Mas lalong sumiklab ang inis ko nang makita kong sinalubong siya ng kanyang Daddy at Mommy at niyakap.

"Auntie Red will come there to watch you perform, Ate."

What?

"Bakit siya? Ayoko! Sina Mommy at Daddy ang gusto ko!"

"Hindi nga pwede!" tumaas na rin ang boses ni Vaan sa iritasyon sa akin.

Naiirita siya? Mas naiirita ako!

"Tell them to come here immediately, Vontelle! Or else, I won't go home tonight! And the next day! And the next next next next day!" sabi ko at mabilis binaba ang tawag.

Binigay ko iyon sa kasama kong body guard. Sa itsura niya ay parang may nais siyang sabihin sa akin pero nanahimik na lang nang makita ang lukot lukot kong mukha.

My mother has epilepsy. She has that illness ever since she was a child. Sa isang linggo ata, dalawang beses siyang nagkakaroon ng seizure.

Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang iritasyon ko.

Today, I will play piano in front of many people. Kabado ako dahil ito ang unang beses na tutugtog ako sa maraming tao. Punong-puno ang Orchestra Place. Pati ang second floor ay may mga taong nakaupo. They look all elegant and beautiful in their formal dress and tux.

Sinong hindi kakabahan? Tapos ang kasama ko lang ay isang body guard? Gusto ko sina Mommy at Daddy! Hindi ako makakapag perform nang maayos kung hindi ko sila makikitang nakaupo sa mga audience at nanonood sa akin!

Dapat talaga ay hindi ako umalis kanina sa mansion nang hindi sila kasama, e!

Gusto ko nang maiyak nang ako na ang tutugtog. Wala pa sina Mommy! Nasaan na sila?! Makakarating pa ba sila?!

Sumilip ako mula sa backstage. Kumalabog nang husto ang puso ko sa nakitang dami ng taong manonood at makikinig sa akin. Paano kapag nagkamali ako? Paano kapag nanigas bigla ang mga daliri ko at hindi ako nakatugtog ng piano? Paano kapag nakalimutan ko ang piece na tutugtugin ko?

Nagsimula na akong maglakad palabas ng backstage at papunta sa itim na grand piano sa stage. Nagsimula akong ipakilala ng emcee.

"A ten-year old girl from the Azcarraga family, the daughter of Mr. Vincent and Ms. Elizabeth Azcarraga, the niece of the one and only Madam Red Azcarraga—Vashti Iynaia Azcarraga will now perform a piano piece to all of you! Let's give her a warm of a clause!"

Wala akong marinig sa sobrang kaba ko. Namamawis ang aking mga kamay at nanghihina ang aking mga tuhod.

Mommy, Daddy, where are you? I need you right now!

I thank all the gods when I ended my performance without any mistakes! Ang iritasyon ko'y mabilis kumalat sa aking katawan nang natapos akong tumugtog ay walang Mommy at Daddy na nagpakita. Pagpasok ko sa backstage ay agad kong namataan si Auntie Red. Agaw pansin ang all red niyang suot, ang kanyang buhok, ang kanyang pamaypay, lipstick, at stilettos!

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon