The Finale

8.2K 212 109
                                    

A/N:

2 weeks kong sinulat 'to kasi pahinto-hinto ako mga b3h. Naiiyak ako dahil mamimiss ko si Raziel, iyong whatever niya, iyong pag-ikot ng mga mata niya.

PERO FINALLY, NATAPOS KO NA. 

Thank you for reading! Ang tagal kong natapos ang kwentong 'to kasi ang drama naman nina Vivi at Raz. Kailangan laging may hugot. Hehehe.

Remember that Lionheart Brothers series genre is dark romance. Hindi nga lang masyadong dark ang kwento ni Raz kasi nagsisimula pa lang ako!

The second installment of LB series is Heaven Claudius Lionheart's story entitled Sin of Heaven. Posted na siya so go check it if you want. 

I hope Vivi and Raziel's story moved your heart... kahit kaunti lang. Iyon kasi ang goal ko every story na sinusulat ko. 

And... I have 2 other on-going stories. Be the Delinquent's Girl and Martyr Nyebera. Haha, promote promote rin. :>


さようなら!

- Yona

PS. Squall and Rinoa from Final Fantasy VIII are my inspiration in creating Raz and Vivi's characters.

KAPAG KINASAL NA SI RAZ AT VIVI, PAKINGGAN NIYO 'TONG KANTANG 'TO. FEEL NA FEEL KO KASI ANG PAGSUSULAT HABANG TUMUTUGTOG EOM ORCHESTRA VERSION E.   


The Finale


Raziel Cayden Lionheart


I am aloof not because I want to. It is because of my mother.

Siya ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan. O kung bakit naging ganito ako.

Bumagsak ang gundam build divers toy ko. Kumalat ang pira-piraso nito nang mabitawan ko dahil bigla akong hinawakan ni Mommy sa braso upang itayo.

I let out a sigh. Tiningnan ko ang mga mukha ng kalaro ko. Halatang takot sila kay Mommy. Nakaawang ang kanilang mga bibig habang nakatingala.

Nagpahila ako kay Mommy nang ilayo niya ako roon. Noong lumabas kami sa bahay ng isang kalaro ko, hindi ko mapigilang bumuntong-hininga nang paulit-ulit.

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, Raz, na huwag kang makikipaglaro kahit kanino?" sabi niya, nag-uumpisa na naman sa panenermon sa akin. Nakakasawa na. Palihim akong umirap. "Hindi mo kailangan ng kaibigan dahil sa huli ay kakalabanin ka rin nila. Tatalikuran. Isa kang Lionheart at sila? Paglaki nila, magiging uhaw sila sa kapangyarihan at kayamanan. Hindi kaibigan ang ituturing nila sa'yo kung 'di kakumpetensiya. Gagamitin ka nila."

Whatever, Mom. Just... whatever.

Ilang beses mo nang sinabi sa akin 'yan. Nakakasawa na.

"Paglaki mo ay maiintindihan mo rin itong sinasabi ko."

"Naiintindihan ko naman pero bata pa ako para isipin 'yan, Mom. I'm just ten years old. Bawal ba muna akong maglaro?" sabi ko. "Palagi mo na lang akong pinagbabawalan."

"At palagi mo rin akong sinusuway," malamig niyang sabi.

Nang makarating kami sa loob ng House of the Lionhearts—ang mansion kung saan ako tumutuloy, nakita ko ang mga kapatid ko sa malawak at malaki naming sala. Nanonood sina Kuya Irvine, Kuya, Lohan, at Jagger nang isang nakakatakot na palabas habang sina Kuya Byron at Kuya Giles ay naglalaro ng chess sa isang tabi.

Eyes On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon