[57] A Threat
I never thought he could make a brave confession like that. Hindi ba siya nagdalawang isip man lang? Paano siya nakakasiguradong anak niya si Lionel? Paniguradong kakalat ang balitang may anak nga ako at siya ang ama! May pakpak pa naman ang balita!
Humarap siya sa akin. Lumapit pa nang husto ang mga itim na lalaki sa amin, pinapalibutan kami. Umatras naman ang mga taong nanonood. Nakanganga ang mga bibig nila at halos tulala at namumutla.
I froze. Pakiramdam ko ay nilagyan ng simento ang buong katawan ko kaya hindi ako makagalaw. Kinuha ni Raziel si Lionel mula sa pagkakakarga ko. My son looked at me with a scared face.
"M-Mommy..." natatakot niyang tawag sa akin.
Hindi pa rin ako makagalaw. Lalo na noong tingnan ni Raziel si Lionel. His face softened and his eyes were red like he was about to shed tears. Niyakap niya ang anak namin at agad namang pumiglas si Lionel palayo sa kanya.
May kurot akong naramdaman sa dibdib ko nang makita kong bumalandra ang sakit sa mukha ni Raziel.
"Mommy! Mommy!" Patuloy pumipiglas si Lionel.
"C-Come here, baby." May bumara sa lalamunan ko. Nilahad ko ang aking mga braso sa kanya para makuha siya pero hindi ako hinayaan ni Raziel na kunin sa kanya si Lionel. "Raziel..." May pagbabanta ko siyang tiningnan.
"He doesn't like me..." sabi niya sa mapait na tono at marahan niyang ibinalik sa akin si Lionel.
Tinago ng anak namin ang mukha niya sa dibdib ko at yumakap sa akin nang mahigpit. Paulit-ulit kong hinaplos ang likod niya dahil nagsisimula ulit siyang humikbi.
Iniwas ko ang aking paningin sa mukha niyang nakangiwi. Nilibot ng mga mata ko ang mga lalaking nakaitim.
"Mga tauhan sila ng Lionheart," he started to talk in a flat voice like he wasn't hurt earlier. "Kuya Byron said I need them. Hindi na ganoong kadaling lumapit sayo dahil sikat ka na. But you know what? I don't give a damn about that. I will do everything so I can stay with you again. Hindi ko kailangan ang iba para makuha ka ulit."
He sounded and looked determine.
"Ayaw kong mapasayo ulit. Kaya tigilan mo na ako."
But sorry to break your spirit, Raziel.
Nilagpasan ko siya pero agad niya akong hinawakan sa balikat upang pigilan. Malamig ko siyang binalingan ng tingin.
"Bitiwan mo ako."
"Ayoko."
Suminghap ako. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, masusunod ang gusto mo!"
Pinilit kong umalis sa hawak niya. Pinilit kong umalis mula sa mga tauhan niya at sa mga taong tulalang nanonood na nakapalibot sa amin.
"Vivi!" tawag niya sa akin
Napapikit ako at niyakap ang anak ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay oo ka na lang ng oo sa mga gusto niya, Vashti Iynaia! Learn to say no! Please!
"Wait, love!" Mabilis niyang naharang ang dadaanan ko. Love? He called me with that endearment again! Nag-init tuloy ang mga pisngi ko! "Please, let's talk. Please? Sumama ka sa akin..."
"Hindi pwede." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Lionel na para bang sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas para tumanggi sa mga gusto ng tatay niya. "Baka hanapin kami nina Vaan at Levi sa bahay. Uuwi na kami ng anak ko."
His face contorted in annoyance. "Anak ko rin siya."
"Paano ka nakakasiguradong anak mo siya?" Kumunot ang noo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me
General FictionThe Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me."