Part 1

9K 122 3
                                    

AKO MUNA!

Dumating na ang araw, araw kung saan maghahanap na ang puso mo ng kapareha na pupuno sayo sa pagkatao mo at higit sa lahat tutugon sa pangangailangan mo.

Good morning! Bagong araw, bagong simula.

Isa munang panalangin ang aking sinambit sa aking isip bago ako tuluyang tumayo sa aking higaan. Thankful for everything kahit marami nang pasakit na hinarap na muntik ng magpabagsak sa akin pero ito ako still alive and kicking pa rin thanks to HIM.

Bago ang lahat ako nga pala si Raylee at hindi ko alam kung saan nakuha nina nanay ang pangalan na yan hehehe eh Lorna at Gonie naman ang mga pangalan nila, well okay naman eh maganda naman ako ay este yung name ko. 28 years old na ako at single sa ngayon naghihintay pa ako ng may deserve sa akin hehehehe. Nagtratrabaho bilang admin ng isang company hindi naman ako matalino, matiyaga lang at pursigido lalo na kapag gusto ko ang isang bagay.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para gawin ang dapat gawin.

Humarap ako sa salamin at pinuri ang sarili "Ang ganda mo talaga Penoy you are amazing shit!" oo Penoy, Penoy kasi palayaw ko sa bahay pasimuno kasi mga bully kong ate at kuya para daw kasing itlog ang ulo ko kaya well ayun na tinawag nila sa akin asar nga eh pwede namang Ganda o Seksi ang ipalayaw sa akin nakakainis.

Alam ng buong pamilya kung ano ako pero sa una siyempre si tatay medyo tutol pero nasabihan siya ng kamag-anak namin na malapit sa kanya na beki din na wag daw akong sasaktan or gagawan ng ikasasakit ko bagkus accept me daw kasi in the end anak niya pa rin ako at sila daw ang makakalaban ni tatay in case na malaman na sinasaktan niya ako because of what gender i choose. Hindi naman daw galit si tatay sa pagiging gay ko siyempre siguro gusto niya lang na may magpatuloy lang ng surname namin.

Pagkabihis ay bumaba na ako dahil kailangan nang magmadali mahirap na baka masabon na naman ako sa office ng friendship kong CEO, oo friendship ko yung bruha na yun hehehe.

"Anak almusal na!" rinig kong sigaw ni nanay pagkakita sa akin.

"Nay ano ba yan aga-aga sigaw agad" reklamo ko kasi ba naman no super taas ng note na binabanatan every time sa sisigaw buti medyo malayo pa ako sa kanya kung hindi bingengot effect na naman ang mararanasan ko.

"Wala naman gusto ko lang" sagot naman ni nanay.

"Wow sarap naman nay ang tarush ng hinanda mo ngayon" dami kasi niyang nilutong pagkain (fried eggs, may tocino na mula sa province naman na isa sa pinaka the best tocino na natikman ko mayroon din daing at burong mustasa at kanin)

"Dumating kasi ate mo ayan binilinan bago umuwi ay na bumili ng mga yan" sagot muli ni nanay.

"Kakain na po ako"sabi ko at naupo na ako naexcite ako sa pagkain.

"Ah anak pinagbaunan na kita ng tocino at burong mustasa alam kong paborito mo yun eh at saka anak bakit hindi po mo pa tinatawag ang asawa mo baka malate din sa work yun" hayst!si nanay talaga aasarin na naman ako, take note wala po akong asawa inaasar lang ako ni nanay ako na lang kasi ang walang asawa.

"Nanay naman eh!"

"Joke lang anak hehehe sige na kain na"

Hinayaan ko na at kumain na ako.

Ganyan din si nanay binubully din ako pero love na love ko yan super love na love. Hindi na baling walang lovelife basta andiyan siya solve na ako.

After a few minutes nagmadali na akong magligpit at umalis.

***********************

"Ay sir buti andito na po kayo nagwawala na naman po si Ms. Coleen eh" salubong ng secretary ni Nene. Wala lang tawag ko lang sa kanya kahit kasi magkaedad lang kami mukha siyang bata tapos super ganda pa niya kaya nga lang madalas maloko ng boylet.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon