"Opo binabantayan ko naman po siya" kausap ko si sir Mario.
"Mabuti naman at mabuti at nandiyan ka para sa kanya, teka ano bang nangyari sa batang yan hindi ko alam na andiyan siya sa Singapore."
"Sumakit ang ulo, namumutla po tapos ayun nawalan po ng malay"
"Inaya ka ba niyang magkita he actually wanted to see you"
"Opo di ko nga alam kung paano niya nakuha number ko then ayun po nag-ayang magkita kami una medyo nag-aalangan po ako pero buti na nga lang po pumunta ako kasi una ayaw ko kasi di ba alam naman po ninyo ang lagay namin."
"I know iho pero naikuwento na ba niya saiyo ang totoo?"
"Kinuwento po niya"
"Nasabi ba niya na niloko siya noong babae at hindi naman kanya ang bata and the wedding is fake ginawan ko ng paraan yun kasi di ako palagay sa babae yun gagawa nga sana ako ng hakbang but Luis ask me na wag since wala na rin daw sense ayaw mo na daw sa kanya kaya ayun pinakisamahan niya pero nalaman namin ang totoo nang naghihinala kami na lumalaki ang bata na di kamukha ni Luis then ayun pina-DNA namin at we found out the truth and that week din eh naaksidente din sila ng partner noong babae at namatay then ayun lumabas lahat ng totoo. Luis was devasted that time wala na rin gana ang anak ko mahal na mahal ka talaga niya anak kaya nang mangyari lahat nagmamadali siyang mahanap ka para makipag-ayos sayo."
"Opo nasabi po niya at kung tatanungin nyo ako kung mahal ko siya hindi naman po nawala yun sir at siya lang naman hanggang ngayon eh"
"Anak call me papa from now at kung may balak man kayong magkabalikan ayos na ayos ako doon because i kbow Luis will be in good hand at magiging maayos ang buhay niya kasama ka anak at kung magpapakasal kayo sabihin nyo lang din."
"Ay sir pa sorry po pero ang bilis naman po nun hehehe hayaan po ninyo mag-uusap kami"
"Anak ayaw ko na rin mapiwara si Luis, siguro naman nauunawaan mo yun dahil tatay ka na rin at sana din bukod sa pagtanggap mo kay Luis tanggapin mo din ang bata na bunga ng pangloloko noon babae hindi kasi makaya ni Luis na ipamigay ang bata kaya siya na ang tumayong ama nito at kung magsama man kayo sana tanggapin mo siya"
"Opo pa wala naman pong problema doon mamahalin ko din yung bata gaya ng pagmamahal ko sa mga anak ko."
"O siya kung may kailangan tawag ka na lang anak"
"Opo papa sige po."
Binaba ko na ang tawag at muling bumalik sa loob ng kuwarto.
Gising na pala si Luis.
"Babe?"mahina nitong sabi.
"Yes babe okay na ba pakiramdam mo?"lumapit ako at saka hinawakan ang kamay niya.
Nang bigla ito umiyak.
"Oh bakit babe wag ka nang umiyak may masakit ba sayo?"nag-aalala kong tanong.
"Hi-hindi wala walang masakit okay na okay na ako masaya lang ako"dahan-dahan itong bumangon, inalalayan ko naman "I'm just happpy na okay na tayo" pinunasan ko ng hinlalaki ko ang kanyang luha sa pisngi.
"Paano naman hindi lakas ng tama ng kapogian mo sa akin" patawa ko para lang malight-up ang moment.
Ngumiti naman ito "Kaso babe ang payat payat ko at ang panget panget ko, baka di mo na ako gusto"
Hinalikan ko ito sa pisngi "Hindi naman na mahalaga ang itsura mo kung ako nga hindi perfect pero minahal mo ako di ba" hinawakan kong muli ang kamay niya "I love you as Kian Luis S. Mendoza hindi dahil pogi ka, macho ka o mayaman ka minahal kita sa pagiging ikaw at kung paano mo ako kinaibigan, pinakisamahan, pinakilig at tinanggap pati ang mga bata wala nang tatalo doon kahit mabungal ka pa okay na lang mahal na mahal pa rin kita" then i painted a sweet smile on my face.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...