Nasa sala kami ngayon ni peste si Kevin kasi tinulungan si nanay na maghugas ng plato at si tatay ay umakyat na sa kuwarto.
Binuksan ko ang tv at umupo na.
"Talaga bang magpapakasal na kayo?" bigla niyang tanong.
Napaharap tuloy ako sa kanya.
"Oo naman bakit naman hindi"
"Bakit?"
"Huh anong bakit?"
"Bakit ka magpapakasal sa kanya eh may naghihintay sayo"
"Luis anong pinagsasabi mo?Magpapakasal ako sa kanya dahil mahal ko siya at siya ang boyfriend ko at sino naman yang naghihintay na sinasabi mo?"
Tumayo bigla at nagulat ako ng makita ko yung mga mata niya na lumuluha.
"Ang hirap kasi sayo-" hindi pa natatapos ang sinasabi niya ay bigla siyang lumabas.
Kinabahan ako, baka kasi mapaano sinundan ko siya sa labas.
"Luis sandali ano ba kasing problema mo?Sabihin mo naman kasi sa akin"
Nasa may gate kami ngayon at akmang bubuksan niya na ang gate natigil siya ng nagsalita ako.
Humarap ito sa akin.
"Mahal na kasi kita Ray, mahal na kasi kita pero ang sakit pala nito kasi wala na akong chance sayo at ang sakit kasi tuluyan ka nang malalayo at hindi na magiging akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at sayo ko lang naramdaman ang ganito putang inang feelings ito."
"Sorry"hindi ko nga alam kung bakit ako nagsosorry, nagsosorry ba ako dahil ang ganda ko at naakit ko siya or nagsosorry ako kasi ewan bakit ko nga ba iniexplain ito.
"No ako ang dapat magsorry sayo kasalanan ko lahat."
Hindi na ako umimik, naramdaman ko na lamang ng paglapit niya at hinawakan ang akin pisngi. Nagkatinginan kami ngayon. At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Hinagkan niya ako sa aking labi.
"Honey" tadhana says paktay ka!
Dali-dali kong inilayo ang aking sarili kay Luis.
I don't know what to do or to say.
"A-ano yun na-kita ko, are you-" di niya pa natatapos ang nais nitong sabihin nang.
"No pare hindi kasalanan ni Ray ang nakita mo, wala siyang kasalanan ako ang humalik sa kanya." naramdaman ko tuloy ang tensyon ng makita ko ang paglapit ni Kevin kay Luis ng nakatiger looks pa gosh ganda ko.....
Isang sapak ang ginawad ni Kevin sa mukha ni Luis.
Magpapakawala pa sana ito ng isa pangsuntok awatin ko siya.
"Tama na Kevin" awat ko sa kanya niyakap ko siya sa mga banda tiyan niya.
"Pumasok ka doon!" pagalit niyang sigaw sa akin. And for the first time, sinagawan ako ni Kevin.
Binitawan ko siya ay para akong tuod na nakatayo na lamang at parang naghihintay sa anumang mangyayari pa.
"Ano panghinihintay mo pasok na, bakit anong gusto ipagtatanggol mo pa itong gagong ito huh!" Pasok!" this time mas malakas at mas galit ang boses na lumabas mula sa bibig ni Kevin.
God, i can't take this drama anymore, biglang sumakit ang dibdib ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ang alam ko lang the end na.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
De TodoMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...