"Nay!" sigaw ko naguguluhan na ako.
"Ano anak napaano ka?"nag-aalalang tanong ni nanay.
"Ano po bang kulay ang gagamitin ko pwede na po ba ito?"pinakita ko yung piraso ng tela na dala kahapon ni Luis para makapili daw ako ng gusto kong kulay ng isusuot ng mga anak ko.
"Ayos na itong red kay Kerwin at ito naman blue kay Kervin maganda ang kulay na ito para sa kanila"
"Ah sige nay naloka na ako di na ako magkanda-ugaga sa mga ginagawa ko"
"Kumalma ka kasi ito naman, o ayan ayos na at nga pala nakausap mo na ba ang mommy ni Kevin about sa party"
"Opo alam na nila lahat at sila na daw bahala sa mga give away ng mga bisita at sa pagdedecorate ng event place."
"Eh di okay kaya umayos ka na wag kang praning anak"tumalikod na si nanay nang bigla ito bumalik at mukhang may naalala na "Teka nga pala anak kayo bang dalawa ni Luis kagabi ay nag-away?"
Sabi na eh.
"Nagkapikunan lang po kasi ang kulit pero ayos na po kami papunta po siya ngayon dito susunduin kami ng mga bata dahil susukatan kami."
"Eh ano ba kasing nangyari kagabi yun ang una kong pagkakataon na makita si Luis na padabog na sinara ang pinto."
"Wala po yun nay ayos na po"
"Hay naku okay sige mabuti at okay na kayo sige balik na ako sa kusina."
Nagselos kasi si Luis kay Nigel at ewan ba sa gage na yun ilang araw pa lang kaming nagkikita nilandi na niya ako, charing basta kasi ang sweet noong tao sa akin eh nakita kami ni Luis na magkayakap. Natuwa yung tao sa sinabi ko kaya ayun............tapos itong mokong pag-uwi namin sa bahay para siyang asawa na nagselos dahil nakitang may kayakap ang asawa na iba.
Take note wala pa kami, hindi ko pa siya sinasagot.
Ito po yung nangyari............
"Miranda ready na ba ang kotse?" tanong ko kay Miranda papunta kami ngayon sa isa susunod naming target na si Mr. Nigel T. Enriquez.
"Opo sir"
"O sige lakad na tayo"
"Maglalakad lang po ba tayo"banat Miranda, banat sapakin ko kaya ito.
"Ikaw ang maglalakad ako sasakay ng kotse"gagang itong pilosopo sapakin ko kaya. Tinarayan ko tuloy siya ng tingin.
"Joke lang"
"Hindi nakakatawa"inikutan ko ng mata ang bruha.
"Aba sir parang namamaster na po ninyo ang pagtataray using your eyes taray mo sir"
"Tse!Tara na"
Ganito kaming dalawa, para kaming magtropa.
"Ready na ba ako?Mas kabado akong makausap itong tao na ito kaysa kay Mr. Chu takte"
"Naku keriboom, boom lang yan sir"
"Sana nga madali lang"
Umalis na ang sinasakyan namin. Sinuot ko muna sa aking tenga ang earphone at nakinig sa paborito kong kanta.
Nahinto ang kanta, may nagtext pala si Luis.
Nireplyan ko at saka nakinig ulit ng kanta.
After one hour ay narating namin ang office ng sadya namin.
Lumabas na kami at saka pumasok para makahanda na rin, pero takte i feel mix emotion lalo na sa tiyan ko feeling ko kasi majejebs ako na mauutot na hindi na ewan.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
De TodoMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...