Part 59

527 19 9
                                    

"So sa tingin ninyo makakatulong yan ginagawa nyo huh!" galit na galit ako sa mga puki na to.

Dumalaw kasi ako sa pabrika namin ang to my suprise ito ang aabutan ko

"Eh sir siya nauna eh sipsip kasi tapos naninira pa!" galit na galit na wika ng isa sa mga lalake na nagsusuntukan pagdating ko.

"Gago wala ka kang ebidensya ang sabihin mo kaya di ka mapromote promote kasi tamad ka at higit sa lahat babaero, putik karamihan dito nilalandi mo" tugon naman ng isa.

"Naiinggit ka kasi di kita nilalandi bakla!"

"Wow huh bakit ako maiinggit sa talipandas na tulad mong mukhang surot kadiri kang animal!"

" Bakla!"

"Kalabaw!"

"Peste!" sigaw ko.

"Kuya guard dalhin yan sa office now na!"

Lumapit sa Miranda sa akin at yung supervisor.

"Okay ka lang po ba sir naHB ka tuloy"

"Sorry po sir sa nakita nyo kanina po kasi tahimik lahat wala namang gulo eh sumaktong nagkagulo pagdating nyo." wika ng supervisor.

"At alam mo na mangyayari sa after nito" seryoso kong sabi at naglakad na ako papasok.

Nagbubulungan ang dalawa sa likod ko. Lilingon sana ako kaso ayusin ko muna yung dalawa ewan sa office.

Pagbukas ko ng pinto nakayuko yung dalawa at naupo na ako sa table ko.

"Yang nangyari kanina dapat bang nangyari yun huh?" tanong ko sa dalawa.

"Hi-hindi po"tugon nang isa na tinawag na kalabaw.

"Anong trabaho nyo dito?"

"Sa quality control po sir"yung bakla daw.

"At ano ang kuwento sa likod ng pag-aaway ninyong dalawa?"

Pinagkuwento ko sila isa-isa. And classic puki tsismis.....ang pinagmulan.

"Ilang taon na nga ulit kayong dalawa?"

"25 po" si kalabaw.

"Ganun din po" si bakla.

"Hindi na pala kayo bata, so dapat pala nag-isip muna kayo bago kayo nag-away at dahil nahuli ko pa kayo di ba Supervisor Javier" tinitigan ko yun si supervisor na yukong-yuko, natatawa na nga ako kaso dapat turuan ng leksyon ang mga ito.

"Po-po sir" nataranta na po siya.

"Alam naman ninyo ang isa sa rules ko dito di ba ayaw ko ang may away at di nakakaunawaan, di ba!" taas boses Regine!

"At kailangan ayusin nyo yan or else pare-parehas kayong matatagal nagkakaintindihan tayo!"

"So-sorry sir wag nyo naman po kaming tanggalin" si Supervisor "Ako na po bahala kakausapin ko sila" habol nito.

"Patingin ng performance chart ng mga yan" tinaliman ko ang tingin sa dalawa to sindak them.

"Sa lahat ayaw ko ang nag-aaway eh wala pa akong pinagalitan ni isa sa inyo napapagalitan lang kayo kapag may ganito" kuda ko habang nagbabasa "Ganda pa naman ng review sa inyo at dapat mas okay na kayo dapat sabay na pala kayong pumasok dito at magkasama kayo sa isang section tapos nagbabangayan pa kayo ng ganyan kung anuman yan please sa labas nyo pag awayan at pag usapan trabahong matino tayo dito please lang" nahinto ako ng makita na parehas ang review nila.

"Please dito sa loob trabaho muna, magkahusay sa gawain, makisama ng maayos, ay kung may gulo mag usap ng matino please wag magkalat ng negative vibes dito nakakaloka eh di maganda eh."

"Opo" sagot dalawa.

"Kuya Jevy ikaw na bahala diyan ah naku kaloka kayo huh" yung supervisor.

"Opo sir kausapin ko po"

"Kayong dalawa wag sayangin ang talent nyo at ihiwalay nyo ang personal na buhay sa trabaho please."

"Opo" sabay ulit sila.

"Okay you may no go, but kuya Jevy paabot ng mga reports huh please"

"Opo sir"

Umalis na yun tatlo.

Kaloka ang ganda ng review sa kanila ang sipag parehas pero angat si pastraight, kasi no may naamoy ako hahahaha.

"Miranda tawagin mo taga HR kausapin ko sila marami tayong need na bagong employee at saka pakicheck na rin ang details ng mga bagong makina sa engineering department please"

"Okay gora na akes"

"Go girl!"

Lumabas na ang sektarya kong bakla din hahahahaha.

Pero love na love ko yan.

---------------------

After sa pabrika at habang nasa daan kausap ko naman si Daniel, then diretso ulit sa kompanya para naman sa meeting.

Waaahhhh bangag na naman ako nito sa pagod.

Hay naku daldal dito, daldal doon, chika dito, chika doon, explain nito, explain niyan......

Mabuti mabilis din natapos ang lahat.....

"Sir sabay na po ako"

Napatingin ako kay Miranda.

"Huh bakit di ako sanay sayo ah aga mo atang gogora ngayon"

"Hehehe wala lang"

Hindi kasi nasabay umuwi yan madalas OT sipag eh.

Sa aming paglalakad napupuna ko ang gaga parang aligaga sa kausap sa phone, pabulong-bulong pa.

Pagtapat ko sa elevator putik dala-dalawa talaga ang sira?

"Kuya kailan pa yan nasira? at bakit di ko alam?"

"Pasensya na po sir kailangan po kasing icheck may kakaiba daw po kasi"tugon ng maintenance.

"Bakit nga di ko alam kanina okay pa yan ah"

Lapit naman si Miranda.

"Chill na tayo sir doon na tayo sa hagdan para exercise" napatingin with matching dikit kilay ako Miranda.

Sabagay walang choice.

Lakad na kaming dalawa.

Pero itong isa na to parang ewan may kausap sa phone inunahan pa ako pababa. Ang nakakataka patingin-tingin ito habang busy sa phone parang ewan madapa ka sana tong baklang twoh!

Ilang floor pa ba?

Pito pa shemm papayat ako nito.....

Itutuloy........

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon