Pwede na raw ilipat si Kevin room niya at okay na ulit ito, pero sinabihan na kami ng doctor na mayroon na lamang itong 2 buwan to live tang-ina bakit nila sinabing okay na siya kaya ililipat na ulit ito sa kuwarto niya.
"Mommy i think-" hindi ko maituloy ang sinasabi ko bigla na lang kasing tumakas sa mata ko ang luha ko.
"Anak"yumakap si mommy sa akin. At parehas na kaming umiiyak.
"Ako na po bahala sa bata mommy aalagaan ko sila bilang anak namin ni Kevin at mamahalin ko sila katulad ng pagmamahal ko kay Kevin mommy-"humagulgol na ako ng husto halos manghina ang tuhod ko sa tindi ng sakit na nararamdaman ko sa sandaling yun "a-a-ahahaha (hindi ko mabigkas agad ang nais parang nagkukulang ako sa hangin) at pwede po ba natin gawin na ikasal na po kami mommy gusto ko pong maikasal sa kanya kahit alam kong nawawala siya wala na po akong pakialam ang gusto ko lang matupad ang gusto namin dalawa"at hinayaan ko ang pait at sakit na lumabas.
Hindi sumagot si mommy bagkus nakisalo siya sa pagluha ko.
"Mo-mommy bawal po bang mag-magmahal bakit po ganito ba-bakit po kung kailan mahal na mahal ko na ang anak nyo saka may ganito"at isang matindi paghagulgol ang aking inilabas, bakit nga ba ganoon?masama ba ang magmahalan ang katulad namin?pinarurusahan ba kami?
"Ssssshhhhh wag kang mag-isip ng ganyan anak walang ganun mahal tayo ng Diyos, siguro ito yung nakatakda masakit man pero anak kailangan natin tanggapin at wag tayong mawalan ng tiwala sa kanya." masakit man sa loob namin parehas ni mommy lalo na sakanya pero parang nadampian ng liwanag ang puso ko sa pagiging positibo niya.
Bumukas ang pinto at napatingin kami ni mommy, si nanay pala at may dalang pagkain.
"Anak na paano ka?" lumapit siya sa akin at saka pinahid ang luha sa akin mata.
Sa kanya naman ako yumakap at umiyak. "Nay ang sakit, ang sakit nito hindi ko na po ata kaya nay bakit po ganito nay ayaw ko na po di ko na ata kaya"hinigpitan ko ang yakap sa nanay ko.
"nay"at lalo akong napaiyak para tuloy gripo ang mata pero wala akong magawa gusto kong mailabas ang lahat ng sakit.
Hinagod naman ni nanay ang likod ko ng kayang palad, nararamdaman ko ang init at pagmamahal ni nanay, ngayon ay nakakaramdam ako ng mas maayos na pakiramdam para bang sa bawat haplos niya napapakalma niya ako at parang sinasabi nito na magiging maaayos din ang lahat. Kaya di ako makabitiw kay nanay, kailangan ko ito lalo na sa oras na ito.
"Anak tahan na kailangan mong tibayan yang loob mo para na din kay Kevin at sa magiging anak ninyong dalawa"
"Anak kasi ganito yan umalis si Kevin mga 8 months bago mo siya sagutin kasi sabi niya gustong gusto niyang magkaanak pero ayaw mo daw kasi siyang sagutin pa natatawa pa nga ako sa kanya kapag nangawa at nagkukuwento na kesyo daw hindi ka daw pwede hindi ka raw niya madalaw busy ka daw" napansin ko yung pagdaloy ng luha ni mommy habang nagkukuwento tungkol sa isa sa mga supresa sana ni Kevin sa akin magkakanak na kami "pero noong sagutin mo siya alam mo siya na mismo ang napunta sa doctor para umattend sa treatment niya at mas ganado siya kasi daw gusto niya pang makasama ka ng matagal at ang magiging anak ninyo at pakakasalan ka niya. Mahal na mahal ka talaga ni Kevin kahit nga dito napapayag mo siya kahit alam namin na last stage na ang cancer niya pumayag na rin ako dahil gusto din ni Kevin na lumaban pa pero"lumakas na ang pag-iyak ni mommy at napapakapit na siya sa kamay ko at ako naman ay pilit na kumakapit kung saan ayaw kong manghina sa oras ito hindi pwede. "Raylee please pwede mo bang tuparin ang hiling ni Kevin na makasal kayo alam mo kaya siya lumalaban kasi gusto niya bago siya mawala mapatunayan niya sayo na sobra ka niyang mahal na tunay yun pag-ibig niya sayo" hindi ako makatingin kay mommy nadudurog ako.
Sana pala noon ko pa sinunod ang sinabi ni nanay. Nagsisi ako mapapamahal naman pala ako sa kanya bakit hindi ko noon ginawa.
"Oo mommy magpapakasal ako kay Kevin mahal ko siya at wag po kayong mag-alala dahil hindi ko rin po pababayaan ang magiging anak namin"
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...