Nakatulala lang ako sa lupa kung saan inilibing ang katawan ng honey ko. Hindi ko na rin magawang umiyak. Ang tanging ginagawa ay pinauulit-ulit ang mga kulitan at masasayang sandali kahit na hindi iyong gaanong katagalan ngunit kung paano niya naman ako mahalin ay isa nang alaala na hindi ko itatapon bagkus ay ibabahagi ko sa aming mga anak.
Sa isang buwan ay lalakad kami para makita ang mga bata at maiuwi.
Nanabik na ako honey paniguradong kasing guwapo mo sila.
Umihip ang malamig na hangin kahit na ang araw ay tila galit na galit dahil sa init na kanyang isinasabog.
"Mahal ko....."
Hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko habang ang humahangin o ako ay nagiilusyon na lamang.
"Kevin"mahina kong pagbigkas sa pangalan niya at tumingala sa langit. Payapa at masigla ang kalangitan ni walang bakas ng pagsusungit.
"Kung nasaan ka man sana wala ka nang nararamdamang sakit at sana maligaya ka rin diyan kahit masakit sa puso ko na mawala ka pero wag kang mag-alala kakayanin ko at magiging okay din ako" pinikit ang aking mata at dinama ang ihip ng hangin.
Maya-maya ay may tumapik sa akin mula sa likuran at si nanay pala ito.
"Anak hindi ka pa ba sasama sa aming umuwi?"
Tumingin naman ako kay nanay upang sumagot sa kanyang sinabi.
"Mamaya po nay dito muna po ako saglit, wag po kayong mag-alala kaya ko po"
"O siya anak, sabagay narito pa naman si Luis sasabihin ko na lamang siya na hintayin ka"
"Sige po."
Pagkaalis ni nanay ay lumuhod ako at saka inayos ang mga bulaklak na inalay ng mga nakipaglibing.
Magaganda ang mga bulaklak, natutuwa ako pagmasdan ang mga ito ngunit napatigil ako nang masulyapan ako ang pangalan ng mahal ko sa lapida, nanuot na naman ang lungkot sa buo kong katawan at gumapang na ito hanggang di na kinaya ng aking mga mata at naluha na ako.
Paano ba kapag wala na yung nagparanas sayo ng isang bagay na akala mo di mo mararanasan lalo na sa mundong ito. Paano ba ang sandali kapag nais kung tumayo ng may sigla dahil alam ko andiyan siya na nagbibigay pag-asa. Paano ako magsisimula magawa at maabot ang mga pangarap kung yung tulay at hagdan ay tuluyan nang nabuwal at nasira. Paano pa ba magiging maliwanag ang lahat kung hinipan na ang sindi ng nagbibigay liwanag sa akin. Paano ba kapag ang taong mahal mo at mamahalin mo pa ay kinuha na ng Maykapal. Ang daya mo naman Lord papaligayahin mo puso tapos sasaktan mo lang din, unfair naman.
"Sorry Lord hindi ko lang po sinasadya patawad po ang sakit lang po kasi"paghingi ko ng tawad dahil sa takbo ng isip, hindi dapat ganito.
"Ray ayos ka lang ba ayaw mo pa bang umuwi?" dahil sa pag-iisip at pag-iyak di ko namalayan ang pagluhod sa tabi ko at himas sa likod ni Luis.
"Luis pwe-pwede *hik* mo ba akong samahan pa kahit saglit pa please alam mo naman siguro di ko na siya makakasama pa di ba? *hik* Gusto ko munang maiwan dito kahit saglit pa gusto pa siyang makasama, makasama yung taong nagmahal sa akin ng buo na pinagsisihan ko dahil *hik* di ko kaagad sinuklian" at isang buhos ng paghagulgol "Keeeeeeeevvvvvvvviiiiinnnn!!!!! Shit tang-ina ang sakit, ang sakit sakit tang-ina, putang-inang shit!!!!" at doon binuhos ko na ang lahat.
"Tama na Ray baka mapaano ka niyan eh"
Pero hindi ko siya pinakinggan bagkus binuhos ko na.
"Please Ray baka himatayin ka niya eh."
"Kevin!!!"pagsigaw ko "Kevin!" sigaw kong muli.
Doon may yumakap sa akin, mainit ito at may ibang kalakip di ko lamang mawari.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...