Part 50

795 22 1
                                    

Akala ko hindi na darating ang panahon.
Na liliwanag ang daan na tatahakin ko.
Sa libo-libong taong nangangarap binigyan mo ako ng pagkakataon.

Noon nasa kawalan lang ako, pagala-gala at hindi alam kung saan lulugar.
Hanggang dalawang tao ang nagsama, pagmamahalan ay pinag-apoy. Nagbunga ng isang buhay, at ako ay nagkalugar at parte sa mundong ito. Dinala mo sa sinapupunan ng siyam na buwan, dusa at sakit ay tanang-tanan lagi at tinitiis mabuhay lang at ngayon buhay na ako at tinatamasa ang pangarap ng dahil sa iyo, dahil sa pagbibigay mo ng pagkakataon sa akin.

Kung mababago ang landas na tatahakin ko, ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko.
Sa bawat sandaling kasama kita, binigyan mo ng kulay ang aking mundo.

Anuman ang dumaan, dinanas at dinamdam aatimin pa rin maging ikaw ang kabahagi ng lahat-lahat sa akin. Ikaw ang naging lakas ko sa bawat sandaling natutumba ako. Ikaw rin ang nagturo sa akin na maging matibay at matatag anumang bagyo ang dumaan. Mula pagkabata ko pagmamahal mo ang nagiging sandalan ko, pagmamahal mo ang nagiging liwanag ko tuwing nahuhulog sa dilim, pagmamahal mo ang nagiging apoy sa akin nanlalamig na tiwala sa sarili. Naging masaya at puno ng aral ang aking pagkataon dahil lagi kang nariyan sa aking tabi.

Dumadaan ang araw, di mo namalayang naubusan ka na ng oras.
Pwede bang humiling isa pang araw na ikaw lang ang kasama.
Kulang na kulang ang panahon, hindi sapat ang meron tayo ngayon.
Pwede bang humiling isa pang araw.

Hindi ko napapansin, dahil na rin sa dami ng aking hinaharap na unti-unti ang tala ay nawawalan na ng kinang. Paano nga ba at hindi ko napuna.
Ang sakit naman, bakit naman ganoon? Hindi ko pa nagagawa ang lahat, nais ko pang ibigay ang lahat masuklian man lang ang sakripisyo mo sa aming magkakapatid. Kung maari lang bigyan pa ako ng pagkakataon kahit isang araw lang, isang araw pa itutuon na ang lahat ng puso at pag-iisip sa iyo dahil noon mas malalim pa rito ang iyong naibigay sa akin.

Para akong nawawala sa sarili di ko kinakaya, napapaupo na lamang at umiiyak. Gusto pa kitang makasama, marami pa akong dapat malaman at matutunan lalo ako ay isa nang ganap na katulad mo. Kakayanin ko ba ng wala ang iyong gabay at pagmamahal?

"Babe please kahit saglit lang matulog ka please" nakaupo lang ako sa tabi ng kabaong ng tao naging lahat sa akin, yung taong lagi nariyan kapag nadadapa ako.

"I'm okay" matabang kung tugon.

Nadama ko na lamang ang pagluhod ni Luis sa harap ko.

"Babe please baka mapaano ka niyan di ka rin nakain"

Tumingin ako sa kanya. Dama ko naman ang concern niya pero wala eh, ayaw kong mawalay sa piling ni nanay.

"Okay lang ako sige na"

Tumayo na ito mukhang suko na sa akin. Ayaw ko talagang umalis sa tabi ni nanay.

Humawak ako sa kabaon ni nanay, nakikiramdam, pinakikiramdam, buhay pa siya.....buhay pa siya. Nay gising na diyan oh di pa nga nagsisimula mag-aral ang kambal eh, at saka wala nang magluluto ng paborito nilang ulam alam mo namang luto mo lang ang pumapasa sa panlasa ng mga apo mo. Nay mamasyal pa tayo eh...

Hindi ko kinaya na at bumagsak muli ang mga luha ko.

Hay naku nay...sorry ang weak ng bunso nyo...

Tumapang ako na harapin ang bawat yugto ng aking buhay ng dahil sayo Inay. Kahit ilang taon na tayong magkasama pero tila kulang pa rin iyong para sa akin, kailangan pa kita, kailangan ko pang matuto at kailangan ko pa ng matatakbuhan kapag nawawala ako sa tamang landas.

"Kailangan mong tapangan sarili mo, hindi magugustuhan ni nanay  yang inaasal mo" Si kuya naman ngayon, andito pala siya.

Kinuha niya kuya ang kamay ko at hinila.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon