"Mga anak say hi to daddy Luis"kasama ko ngayon ang kambal while video chatting with my babe.
"Hello mga baby cutie kumusta na ang mga pogi miss ko na kayo" kumakaway pa ito sa dalawa eh ito naman dalawa di matigil sa kakalikot.
"Babe kumusta ka pala diyan?" singit ko.
"Ayos naman babe kakapagod nga lang kasi kailangan magovertime para mas mabilis matapos ang mga kailangan pero okay lang din kasi karamihan sa tauhan ni tita sa company namin diyan ay kasama ko kaya di gaanong nakakalungkot kaso kapag uuwi na ako, mag-isa doon ako nalulungkot wala ka kasi sa tabi ko"ahhhh si babe naman....
"Babe ako din naman eh i miss you na po ng sobra binibusy ko na lang sarili ko para di gaanong malungkot at saka nga pala okay na yung kinukuwento ko sayo na guy jusme buti nga nahimasmasan nang sabihin kong may asawa na ulit ako hahaha nagsuot ako ng singsing na regalo ng isang kliyente namin na may ari din ng jewelry shop tapos nagpakita ako ng picture mo na may same na singsing na suot ko na pinaedit ko pero parang ayaw sumurender" yung sinasabi ko yung pogi na bago naming investor na ang kulit.
"Aba matindi yan babe ah uwi ako diyan nang masapak ko"
"Hayaan na natin ang tulig hahaha pagpunta ko diyan isasama ko para maihanap natin diyan ng jojowain"
"Isasama mo talaga dito?"
"Oo para nga makahanap ng majojowa diyan at saka hayaan mo na friendship ko na rin naman siya eh"
"Eh baka maano ka niyan eh"
"Anong maano hahahaha subukan niya hahaha"
"Hmmm tawa ka ng tawa diyan"
"Wait babe sabi pala ni tito Mario ano daw gusto mo dalhin ko diyan"
"Ikaw ang gusto ko"
Kinilig ako doon nayakap ko yung dalawa ng mahigpit kung diretso na siguro magsalita tong dalawang to baka matanong ako na "Anong problema mo dada?Makayakap wagas"
"O bat di ka nasagot babe"
"Kinikilig ako eh"
"Kapag andito ka hindi lang kita pakikiligin, paliligayahin pa kita"
"Awww babe naman eh"
**Flashback muna sa makulit na si John Francis.
Paglabas ko nang building maglalakad lang muna sana ako dahil gusto ng milk tea at bibili sana ako sa isang tindahan na malapit sa company namin. Sasamahan pa sana ako ni Miranda sabi ko wag na jusme ilang kembot lang naman ang layo nang tindahan. At habang naglalakad ako ay tumawag si Coleen gustong magdinner daw kami sama ko daw mga inaanak niya. Okay naman sa akin yun.
Malapit na ako sa tindahan ng may humintong kotse sa gilid ko at bumusina napatingin naman ako, baka kasi kung ano eh alam ko naman nasa tabi lang ako kaya malamang hindi yun ang dahilan kung bakit ito bumubusina eh wala naman ibang tao.
Paglingon ko nakita ko si pogito. Si John Francis Bermudez ewan ba madalas magtext to nagyaya may time na pinaunlakan ko kaso nagpapanay-panay wala siguro siyang friends kaya ako ang inaabala.
"Hi!" bati agad nito sa akin.
"Hello, oh napadpad ka dito?"tanong ko, ewan bastos ba yung tanong ko?
"Ahmmm kasi di ka nasagot sa text ko kaya balak sana kitang puntahan eh saktong nakita kita na naglalakad saan ka ba pupunta?"
"Ah diyan lang bibili lang ng milk tea"
"Eh bakit di ka na lang nag-utos remember CEO ka dapat nag-utos ka na lang mapapagod ka pa"
"No okay lang gusto ko din namang maglakad nakakaburyong na kasi sa loob ng office"
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...