"Oy di ka ba hinahanap sainyo dalas mo dito ah ikaw crush mo ako no?" natawa ako na napraning sa sinabi niya andito kasi ako dala ko yung pinaluto na seafood pasta ni ate para sa kanya.
"Huh?"kunwari di ko narinig.
"Bingi"
"Tito kain kami na kami eh!" sigaw ng kambal, ilang araw pa lang bale linggo na pala yun, nakakatuwa lang kasi close na kami ng mga bata pati na si Raylee kahit nga si Coleen. Ewan ko ba bakit ba ako napapadalas dito sa kanila kahit sina ate nagtataka na.
"Ito na po mga kulit kakain na po" hinapag ko ang pagkain sa mesa at sina ate Mryna na ang sumandok para sa mga bata.
"Oy Gerald ako na diyan" akmang kukunin ko sana ang cake ng maunahan ako ni Raylee.
"Alam mo kumain ka na rin." umupo na to at habang nakatingin sa akin.
"Tabi tayo"
"Game, halika"
At.......at.....teka Raylee marupok ako. Siya ang sumandok ng para sa akin at pinagslice niya pa ako ng cake at ngingitian niya pa ako and "Kain na sabay tayo" awww......wait! wait! ano yung pinagsasabi ko bakit ako nag-iisip ng ganoon? takte naguguluhan ako.
"Paano pala mawawala ka bukas hanggang Sunday di ba bukas na lakad mo papuntang Hongkong?" ay shit, oo nga pala muntik kong makalimutan.
"Ah oo may gusto ka bang pasalubong?"
"Okay na ako basta makauwi ka lang"
"Ay" may maharot sa dibdib ko ano ba yun?
"Tito!"sigaw ni Kerwin.
"Po?"
"Sabi mo pasyal tayo ngayon sa mall?"
"Opo pagkatapos nating kumain lalabas tayo"
Nagulat ako sa "Hoy gagala pala kayo di ko alam huh" ay sorry di ko nasabi sa kanya.
"Ay sorry po hehehe sama ka labas tayo"
"Nge alam mong nagtatago nga ako eh kita mo nang isa pa akong mummy eh"
"Eh ano naman pwede ka naman maging mommy ko"what? tanga Gerald mali banat mo.
"Hala nanay mo?adik ka no kumain ka na nga basta ingat kayo"
"Hahahaha" tumawa na lang ako.
"Mga anak wag pasaway sa gala ninyo ni tito Gerald huh at wag hihiwalay kina ate Myrna at ate Cora naiintindihan nyo?" tumango naman ang mga bata na abala sa pagsubo, at masaya naman ako at nagustuhan nila ang luto ni ate.
Pagkatapos kumain sumama ako sa pag-akyat kay Raylee sa room niya para na rin tulungan siya na maglinis at magpalit ng benda.
"Masakit pa ba ang sugat?"
Marahan lang itong umiling.
Sinimulan ko ang paglilinis at saka pinahiran ng gamot na bigay ng doctor. At saka binalot ito ng benda.
Nang.....
"Sir Ray nasa labas po si sir Luis gusto daw po kayong makausap, pinapaalis na nga po ng tatay ninyo pero ayaw po eh."si ate Kara isa sa kasambahay nila.
"Ate sabihin mo natutulog na at kakainom lang ng gamot"
Sumunod naman ang kasambahay.
"Ayaw mo ba siyang kausapin?"
"Ayaw ko muna Gerald saka na siguro medyo di pa ako okay kausapin siya."
"Okay o sige tapusin na natin para makaready na rin ako sa paglakad namin ng mga bata" hinawakan ko siya sa kamay "Ingat ka kapag wala ako at wag kalimutan uminom ng gamot at maglinis ng sugat para gumaling yan agad okay" tumango lang to at saka ngumiti.
Tumayo na rin ako para lumabas at itsek ang mga bata para ipasyal.
Masaya na ako...
Sumasaya na ulit ako kasi may taong katulad ni Raylee akong nakakasama at nakakausap. Samahan mo pa na open and welcome ako sa pamilya niya.
Kapag feelings ang pinag-uusapan na hindi mahirap mainlove sa taong katulad niya. Gentle, humble kahit na mataas na ang estado sa buhay, palatawa, maalaga sa mga anak, kahit sa kapamilya maging sa kasambahay, magaling makitungo at makisama....maraming qualities akong nakikita na kinatutuwaan ko sa kanya.
Mabuti siyang tao....alam kong kapag mamahalin ka niya, ikaw lang at walang nang iba.
"Ano ba yan Gerald korny mo"
"Ewan ko ba ano ba kasing nararamdaman ko saglit lang kaming magkasama pero ang lawak agad ng nasasakop niya sa puso ko."
"You know what wag ka munang mahulog ng husto"
"Bakit naman?"
"Remember hindi naman official break ng Boyfriend niya di ba?"
"Alam ko naman yun"
"Pero bakit ganyan na ang feelings mo, naku Gerald oo alam ko din na mabuti siyang tao pero alalahanin mo bago lang kayong magkakilala and may boyfriend pa siya"
"Oo na oo siguro tinamaan lang kasi-"
"Kasi matagal na naku Gerald malay mo bumalik ulit sayo si Rick ikaw naman kasi naniwala ka kaagad sa ex mo na pinagtaksilan ka ni Rick"
"Oo na sorry na nagkamali na......siguro nga namiss ko lang si Rick kasi magkatulad silang dalawa kahit na yung si Mommy ko may topak minsan"
"Minsan lang ba?"
"Madalas"
"Pero sobrang mahal ko yun"
"Okay lang na maging mabuting kaibigan ka muna kay Raylee pero wag kang papahulog baka masaktan ka lang at masasaktan mo din yung tao kasi baka anong isipin niya at sisihin pa niya sarili niya sa posibleng mangyari sayo"
"Ang advance ah paano kung mali ka ng isip"
"Paano kung tama?"
"Paano nga kung mali"
"Naku ikaw naasa ka pa no?"
"Medyo..."
"Gago umayos ka alam mo ipahinga mo yan puso mo at humanda ka may nararamdaman akong good news"
"Baliw!Sige na"
"Baliw ka din alalahanin mo iisa lang tayo"
Baliw na nga siguro kausapin ba naman ang sarili ko.............Mahahanap na rin kita mommy ko and gusto kong bumawi sayo.
"Sir may lead na po kung nasaan po ang boyfriend nyo" isang mensahe mula sa private detective na inupahan ko para hanapin si Rick.
Siguro nga tama rin na napapamahal lang ako kay Raylee dahil nakikita ko si Rick.
Itutuloy.........
------------
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...