"Busy?" si Luis kakagaling lang nito sa baba para tignan ang mga anak namin ako naman nakatunganga pa sa computer.
"Hindi naman binabasa ko lang naman ang mga message ng mga kaibigan natin"
Lumapit ito at yumakap sa likuran ko.
"So ready ka na ba?"
"Matagal na po kaya?"
"Ako din" tapos hinalikan niya ako sa pisngi.
"Shower lang muna ako babe huh"
"Opo susunod na ako tapusin ko lang ito."
"Okay" kumiss ulit ito.
---------------
"Okay kita na lang po tayo sa mall malapit na kami ni koyang driver"
"Yes babe opo"
"May kasama ka ba?"
"Tropa okay"
"Wala ito naman"
"Hahahahaha baliw sige na malapit na ako"
Binaba ko na ang phone....
May usapan kasi kami na magkikita sa mall sa isang restaurant ng kaibigan ni papa Mario, lafang lang with papa and his friendship....good ito para bawas gastos may dagdag sponsors hahahaha. Ang mga bagets naman nasa bahay kasama ng lola nila.
"Koyang diyan na lang tayo sa parking para malapit sa restaurant"
"Opo sir" kapampangan kasi si Kuya Alberto kaya koyang tawag ko.
"Koyang ayni ing panyaling pamangan mo ne puta kasi malwat kami keni" (kuya ito pambili ng pagkain mo baka kasi magtagal kami dito eh"
"Salamat sir atin naku mang pera po" (Salamat po sir may pera naman po ako eh)
"Ay rugu kunan mo ne lagwa"(ay ano ba kunin mo na bilis)
Nahiya pa siya, kamot muna ulo bago abot ng pera.
"Tawag na lang po ako kapag pauwi na kami huh"
"Opo"
Bumaba na ako ng kotse nagwisik muna ng pabango at nagpagpag ng suot na damit.
Naglakad na ako patungo sa restaurant nang.....
Makita ko si Luis at isang babaeng nakadress na pula, and......bumeso at nagyakap pa ang dalawa............
Itutuloy,.........................................
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...