This is the day, makikita ko na ang mga bata. Kasama sina daddy, mommy at si Klein may kasama din kaming dalawang babae na kinuha ni mommy para maging yaya ng dalawa. Excited na akong makita sila paniguradong makikita ko si Kevin sa kanila.
Kahapon pa kami nakarating pero yung excitement ko mas lalong tumitindi.
"Kuya mukha di ka na makapaghintay ah" bati ni Klein, di ko siya napansin naghihiwa kasi ako ng sangkap sa niluluto ko na kakainin namin for lunch bago pumunta sa ospital.
"Ah eh hehehehe oo super excited na ako Klein gusto ko nang tapusin kaagad itong ginagawa ko para makapaghanda na" masaya kong sagot sa kanya.
"Si kuya talaga tulungan na nga kita diyan"
At sa tulong naman ni Klein natapos ko ang paghihiwa at sinimulan ang pagluluto, yung dalawa naman na magiging yaya ng kambal ay nag-ayos na ng lamesa.
Nang makaluto na ng pangtanghalian ay sabay-sabay na kaming kumain. Hindi nga rin namin maiwasan na mapagkuwentuhan na ang aming pakiramdam dahil makikita na namin ang anak namin ni Kevin.
Pagkatapos kumain magliligpit na sana ako ng pinagkainan namin ngunit pinigilan na ako ni Ate Myrna at Ate Cora at sila na lamang daw ang gagawa. Kaya naman ako ay umakyat na at nagpahinga sandali.
Sa aking pagpapahinga, nag-open muna ako ng fb ko upang makapagcheck baka may message mula kina tatay at nanay.
Dahil wala naman nagpost na lang ako "Excited na ako makita ang dalawang anghel ng buhay ko" at saka nagbrowse muna at nagbasa na rin ng mga post ng mga friend sa fb.
At bigla tumunog ito at tumatawag pala si Luis via fb messenger.
"Hi!" agad kung bati pagkasagot ko.
"Hello kumusta ang biyahe mo napagod ka ba?"tanong naman niya, ang gwapo niya at mukhang may lakad pormadong-pormado eh.
"Ayos naman nakatulog ako pagdating namin sa apartment, eh ikaw mukhang may lakad ka ah pogi mo sa porma mo?"
"Talaga pogi ba ako?"at nagpapogi pa ang loko "Nagkayayaan ang barkada na mag-inuman eh kaya ito paalis na ako kaso nakita kitang nakaonline so tinawagan muna kita para malaman ang lagay mo"
"Iinum ka na naman?Ayusin mo sarili mo huh baka maulit na naman ang dati sige ka wala pa naman ako diyan"
"Opo hindi ko na po gagawin yung dati promise behave na po ako"
"Mabuti naman hay naku Luis excited na talaga akong makita sila"
"Anong oras ba kayo pupunta?"
"Maya-maya kakatapos lang naming maglunch eh"
"Ingat kayo huh at pakihalik mo na lang ako sa angels mo"
"Opo ninong"
"Ninong?"
"Oo kukunin kitang ninong pwede ba?"
"Eh paano kapag naging tayo na?"
"Hala siya o adik lang hehehehe pwede wag muna yan medyo matatagalan pa yun at kung kakayanin mo"
"Oo naman kaya ko yun gaya ng sabi ko sayo maghihintay ako"
"mmmmmmm.....sige na baka malate ka sa lakad mo maliligo din kasi ako"
"Hindi okay lang usap pa tayo namimiss na kita eh"
"Loko ilang araw pa lang akong nawawala eh at saka nagbonding pa nga tayo bago kami lumakad."
"Basta namimiss na kita eh"
"Miss ko din kayo"
"Eh ako miss mo ba?"
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...