Part 21

1.4K 45 0
                                    

Nakatingin ako sa malayo, malayo nga ba?

Hindi ko rin alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon? Si Kevin at ang mga bata masayang nagtatakbuhan, napapangiti ako sa aking nakikita.

Ang saya naman pero bakit may luhang dumadaloy sa aking mga mata?

"Anak kumain ka na muna at matulog dalawang araw ka nang walang tulog at kain baka mapaano ka niyan"si nanay pero naririnig ko lang siya pero di ko siya makita dahil yun mag-aama ko lang ang nasa aking paningin sa sandaling yun.

"Ayaw ko nay, dito lang ako baka umalis si Kevin eh"wala rin ako sa wisyo ng sabihin ang mga iyon ni hindi ko nga alam paano ako nakakasagot.

"Anak naman maawa ka naman sa sarili mo baka magcollapse ka niyan di ka pa gaanong nakakarecover mula noong binabantayan mo pa lang si Kevin tapos ngayon mas malala pa ang ginagawa mo sa sarili mo, aba anak sana naman isipin mo din kami di rin namin gusto yun nangyari at nangyayari sayo, anak naman hindi rin gusto ni Kevin yang ginagawa mo sa sarili mo, please anak kumain ka na at matulog" wala akong naririnig alam kong nagsasalita si nanay pero ayaw nitong pumasok sa isip ko tanging asawa ang tinig ng tawa ng asawa ko ang nasa aking naririnig at pinakikinggan.

"Ray kumain ka muna oh si Luis ito susubuan kita"may narinig naman akong ibang tinig maliban kay nanay.

"Ray kain na ito yung favorite mo, kailangan mong kumain sabi ni nanay dalawang araw ka nang di kumakain" sa mag-ama pa rin ang pokus ng aking isip wala akong pakialam sa kanila.

"Mamaya na andiyan na si Kevin eh dito lang ako" at isang kamay ang humawak sa aking kamay.

"Please naman Ray wag mo naman pabayaan sarili mo nawala na nga si Kevin eh tapos ikaw gusto mo din mawala paano naman ako paano naman kaming nagmamahal sayo?"at doon ako napatingin sa taong nagsasalita.

"Anong pinagsasabi mong wala si Kevin huh!Andito si Kevin kaya wag kang magsasabi na wala siya at alam kong di niya ako iiwan!" hindi ko na tantiyado ang lakas ng boses ko o emosyon na nilabas ko sa sandaling yun tanging alam ko lang ay dapat kong ipaintindi sa kanya na nandito lang si Kevin.

At hindi ko na rin alam ang sumunod na pangyayari......

Luis POV

"Nasaan po si Ray?"tanong ko kay tito na kasalukuyang nagtitimpla ng kape.

"Ay iho ikaw pala, kagaya parin ng pag-alis ninyo kagabi nakaupo lang siya sa upuan na malapit sa kabaon ni Kevin naawa na nga ako diyan sa batang yan, wala pang tulog at wala pa rin kain" sagot ni tito, at sa narinig ko mas lalo akong nakadama ng awa sa kalagayan ni Ray mahal na mahal talaga niya si Kevin.

"O sige po tito puntahan ko lang po" hahakbang na sana ako patungo kay Ray ng may inabot na mangkok si tito.

"Iho baka pwede subukan mong pakainin yang bata na yan nakailang subok na kami ng nanay niya pati ng ate niya pero wala ayaw pa rin baka kasi mapaano na siya eh"kita ko ang pag-aalala sa kanya, at gayun naman ako nag aalala na rin ako sa lagay niya.

"Sige po subukan ko"

Dala ang mangkok ng pagkain ay nakita ko na naroon si tita at kinakausap si Ray. Kakaunti lamang ang tao at kakauwi lang daw ni magulang ni Kevin.

Hinawakan ko sa balikat si tita.

"O anak andito ka ulit"napatayo ito at saka lumapit sa akin.

"Mabuti naman at bumalik ka, Luis baka naman pwede mo akong tulungan dito sa kaibigan mo kasi hanggang ngayon di pa rin siya natutulog at kumakain eh baka mapaano na itong bata na ito"kahapon ganoon din ang senaryo nakatulala at di mo rin makausap ng matino, naawa na ako sa kanya matindi talaga ang epekto ng pagkawala ni Kevin sa kanya.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon