Part 49

739 21 0
                                    

"Ano bang nangyari kuya?" sobra akong nanginginig dama ko na kasi na may masamang naganap sa boses palang niya.

"Na a-ano po kasi sir eh" 

"Ano ba kuya magsalita po kayo please"

"Naaksidente po sina sir Luis"

"Huh?"alam ko naman na may something bad pero alam mo yung umaasa ka na iba pala ang nangyari yung hindi masasangkot ang buhay ni Luis i mean yun basta "Pa-paano po na-nasaan kayo?"

"Narito na po sa ospital"

"Eh kayo napaano po kayo?"

"Hindi po ako kasama ni sir nang maaksidente po sila"

"Sila?Sinong sila teka kuya itext nyo po sa akin ang address ng ospital pupunta po ako ngayon na"

"Ka-kasama po kasi siya ng kliyente po niya at nagpaalam pong iinom sila sabi pa nga po wag daw ipaalam sa inyo kasi magagalit kayo"

Shit......ang ayaw ko sa lahat....ang pinag-usapan namin.........sinabi nang wag nang iinom eh.

"Sige po aalis na ako ngayon itext nyo po ako, kumusta po pala ang lagay?"

"Tinatahi po ang sugat ni sir medyo malalim po"

"Hay sinabi na kasing, putik sige po hintayin po ninyo ako diyan"

Binaba ko na ang tawag sabi na kasi.............Luis naman eh.

Hindi ko na rin matimpla ang sarili ko.....naiinis ako na kinakabahan na gusto ko nang sugurin at pagsabihan pero sobra akong nag-aalala.

"Miranda!" napalakas na ang boses ko.

Madali na naman niyang napuna kaya pumasok agad ang isa.

"Po?"

"Ibili mo ako ng ticket papuntang CDO now na"

"Po? Bakit?"

Napatingin ako ng masama sa gaga jusme inuutusan kita bakit nagtatanong pa! "Bibili ako ng carne norte bakit sasama ka maggigisa ako eh" napabuntong-hininga ako at muli umariba "Simple lang bumili ka na at wag ka nang magtanong please lang"

"Sige po sorry naman"

"Teka sir ngayon po ba?"

"Next year kapag sinesante na kita!Malamang ngayon ano ba! ano bang hindi malinaw sa now na!" napalakas na ang boses ko sa inis.

"Kalma lang sir puso mo" hihirit pa.

"Isa!"

"Ay wait po tatawag na ako" biglang umalis ang gagita jusme.

Kalma nga naman Raylee.....okay naman na siya at tatahiin lang ang sugat kaso nakakainis!!!!! wala sanang ganoon eh.

----------------------------

FAST FORWARD.................

"Babe naman sorry na please eh kasi naman eh" tinalukuran ko nga nakakainis kasi, nakailang usapan na kami, na wag, na tama na sa ganoong sistema.

Hindi ko siya kinikibo.

Nasa hotel na kami ngayon nakalabas na kasi siya two days ang gago sa ospital mabuti na rin lagay ng mga kasama niya buti di malala.

Niyakap ako ni mokong pero naiinis ako eh siniko ko siya tapos..........ay mali ako ng nasiko shit!

"Awww babe masakit"

Shemay napatingin ako may tumagas na dugo puta pabebe kasi ako.....

Pero keber kumuha lang ako ng gamit.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon