Part 52

607 23 0
                                    

I was running like someone is chasing, ngayon lang ulit ako tumakbo ng ganito.

Nasa second floor ako ngayon ng building para akong nawawala sa sarili. It's very painful, akala ko ba yung alam ko lang ang nangyari sa kanya and accept that kasi minanipula lang siya ng pagkakataon pero ngayon ito na itong pagsubok ang sakit-sakit kahit tingnan pa lamang and the worst thing is, ex niya yun siguradong nagustuhan niya ang naganap, siguradong may halong emosyon ang pagniniig nila.

Napahinto ako sa dulo ng hagdanan, hinilingal, umiiyak at nasasaktan.

Nang makarinig ako ng dumadaan na babae. Hinanap ko ang boses at nakita ko ito sa isang tabi, nakaupo at hawak-hawak ang paa.

Lumapit ako dito at kinalimutan ang nangyari sa akin.

"Ate ano pong nangyari sainyo?" tanong ko rito sa babaeng. Maikli ang buhok at medyo may edad na rin siguro na sa 50's na ito pero ganoon man maganda siya lalo na siguro nang kabataan niya. Pero wag ka mayaman din ata siya dami kasi niyang suot na alahas at mukha rin mamahalin ang suot niyang damit at sapatos. Ay shemmm Chanel ang bag niya, mayaman nga siya.

"Ay nahulog kasi ako sa hagdan pakiramdam ko napilayan ako eh wala rin tao pa na nadaan kaya di ako makahingi ng tulong."

"Ah ganoon po ba tulungan ko na po kayo kaya nyo po bang tumayo?"

Tumango lang siguro gusto na rin niyang makaalis.

Nakita ko nang alalayan ko siya patayo ang phone niya basag, kaya siguro di rin makatawag ng saklolo.

"Mabuti pa po dalhin ko na kayo sa ospital para matignan yang paa nyo."

"Salamat iho naroon lang naman sa baba ang driver ko baka naabala kita"

"Hindi po samahan ko na kayo para masure ko din na okay kayo"

"Salamat sayo"

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang umabot sa elevator at ilalayan siyang sumakay.

Kada hakbang dama ko na nasasaktan siya, dapat na ngang masuri ng doktor ang paa niya.

Hanggang maabot namin ang parking mabuti tinulungan kami ng mga guard.

Ayaw pa sana niya na samahan ko siya kaso nagpumilit ako kasi gusto kong masure ang lagay niya.

"Salamat talaga iho"

Pasasalamat ng ale, di ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Wala po yung, teka ako po pala si Raylee Francisco po, kayo po at saka ano po palang ginagawa nyo roon?"

Napatingin siya sa akin, parang nagtataka ito sa narinig.

"Isa kang Francisco?"

"Hindi po asawa ko po yun teka po kilala nyo po ba ang mga Francisco?"

"Oo kaibigan sila ng pamilya" tapos muli siyang napatitig sa akin ng mabuti "Teka iho ikaw ba yung asawa ng inaanak kong si Kevin?" kala ko kung ano na.

"Opo ako nga po"

"Ah kaya pala sabi ko kanina pa naglalaro sa isip ko, kaya pala pamilyar ka, kumusta ka nga pala?"

"Ayos naman po ako pati mga anak po namin"

"Siya nga pala iho ako si Imelda Mateo  at may anak ako na nagtratrabaho sa kumpanya ng mga Mendoza kaya ako nariyan."

Magtatanong sana ako nang magsabi ang driver na narito na kami at huminto na ito. Bumaba na rin siya at ganoon na rin ang ginawa ko. Inalalayan namin si Mam Imelda para makababa mabuti na rin na nakakuha ng wheel chair si kuya driver.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon