Bawat hakbang nahihiwagaan ako.
Isang floor na lang......
Kakapagod din maglakad ah.
Okay na ito, teka ano kayang ipapaluto kong ulam, para kasing gusto ko ng tuyo, talong at itlog na maalat na may kamatis at bagoong.....uhmmm teka matawagan nga si manang at palutuan ko mga anak ko ng ibang putahe.
Dial.....
Wala....
Dial......
Wala......
Hala anyare kay manang Lily?
Kay manang Bessie na lang.Ganoon din? busy sila ganoon? kinabahan ako.....
Teka matawagan nga si .....
Hindi agad ako nakapalag may nagtakip ng mata shit si-
"Sir cooperate na lang po tayo" commanding ang boses niya and .....what? wait a-ano ito?
"A-anong gagawin nyo sa akin at paano nyo nagawang makapasok" shit ang hina ata ng pakiramdam ko di ko namalayan ang pagdating nila.
Inalalayan naman nila akong bumaba, pero paano?
Narinig ko na bumukas ang pinto, pero bakit parang ang tahimik?
"Teka ano ba kasi ito? ano bang gusto nyong gawin sa akin, bakit nyo to ginagawa at nasaan yun kasama ko?"
"Wag ka nang dumaldal sir pinatira ko na sa kasama ko ang sekretarya mo" fuck.....Miranda, hindi totoo to di ba shit nasaan ka na! naglalaro sa isip ko at sa puso ko yung sinabi ng taong ito. Naiiyak ako....
"Maglakad ka lang" hinawakan niya ako sa balikat, may diin yun.....a-ano ba kasing nangyayari, ang alam ko okay naman na ang lahat ah....
Anong gagawin ko? Paano ang mga anak ko?
Paano kami ni Luis?
No hindi pa nga kami kinakasal.
Tuluyan na akong naiyak."Wag kang umiyak hindi bagay sayo" dinig kong wika ng lalake na nagpiring sa akin.
Kaya wala akong nagawa kung hindi magsambit ng panalangin sa isip....
Nagbabalik tuloy sa isip ko yung barilan, murahan, saksakan na nasaksihan ko noon.....yung takot na lalong tumitindi sa putok ng baril. Yung walang habas na pamamaril na kumikitil ng buhay, mga palitan ng salitang akala ko sa pelikula lang nagaganap pilit naming tinatakpan ang teka ng mga bata upang di marinig at ginawa na rin naming pagcover ang sarili naming katawan upang protektahan sila.....
Nakakahina, nakakaubos ng lakas, nakakapangilabot na kaganapan na nalagpasan ko na okay na ako, ayos na ako eh.....umuulit na naman.
May koneksyon ba ito sa nakaraan....
Bakit ang tahimik ng paligid, wag naman sanang pati mga empleyado ka dinamay.
"Si-sinong nagpagawa sayo nito at anong intensyon nyo?" lakas loob kong buga.
"Wala ka nang pakialam lakad lang malapit na tayo."
"Ba-"hindi na natuloy dahil inunahan ako"Tumayo ka diyan maghintay ka na may darating para isakay ka sa kotse at wag mong tatakain na tumakas may nakatutok sayo na baril"
Wala na akong nagawa.
Tumayo na lang ako at nakiramdam sa mga nangyayari.At may humawak sa kamay ko.
Sumabay na lamang ako sa paghila niya.
Pero ano yun?napakapamilyar ng nararamdaman ko sa paghawak ng kamay ng taong ito sa paghawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...