Third Person POV
Nagising si Raylee mula sa tatlong araw na pagkakatulog, balot ng benda ang kalahati ng mukha dahil sa inabot nito sa pagkakabangga nila.
Isang di inaasahang aksidente ang naganap sa dalawa.
"Hindi ko na kaya nasasaktan ako" at di na mapigil ni Raylee ang paghagulgol at sinisigawan na niya si Luis upang buksan ang pinto ng sasakyan para makalabas na ito.
"No please lets talk pagdating sa bahay please ka naman ganyan babe" tumingin ito sa humahagulgol na mahal at nagmamakaawa na huminahon.
Ngunit sa nakakagulat na pagkakataon dahil nawala sa pokus ang tingin ni Luis sa daan.....May masasalubong silang sasakyan.
Bumangga sila.....
Humampas ang mukha ni Luis sa manubela ngunit suwerte lumabas ang espesyal na bagay na lumulobo na nagsanhi para mailigtas siya sa impact kaya di gaanong malakas ang impact ng pagkakahampas ng mukha niya sa manubela. Samantalang ang isa dahil nga sa pagpupumilit umalis nakahubad na ang seatbelt at dahil doon at sa lakas ng pagkakabangga humampas ang mukha nito sa salamin at lumabas din ang kalahati ng katawan niya sa harapan ng kotseng sinasakyan nila."Ray bakit may masakit ba bakit naiyak ka? pag-aalala ng kuya nito parating pa lamang kasi ang tatay nito .
"Kuya ang sakit" napalakas ang iyak nito.
Nag-alala tuloy ang kuya niya kaya naman lumabas ito ng kuwarto upang tumawag ng nurse.
Sa paglabas niya ay namulat ang magdamag nang nagbabantay na si Luis, palabas labas lamang ito dahil nakakadama ng pagkadurog ng loob sa tuwing masisilayan ang sinapit ng kasintahan.
"A-anong nangyayari kuya?" agad itong napatayo.
"Si-si Ray kasi nagising may masakit daw eh diyan ka muna tatawag ako ng nurse" natataranta na ang isa kaya napatakbo na ito sa nurse station para maghanap ng tulong.
Pumasok naman ang isa sa kuwarto at narinig niya ang pag-iyak ni Raylee.
"Ba-babe anong nangyari, a-anong masakit sayo" alalang alang tanong nito sa kasintahan.
"Kuya!!!"sigaw nito, sakto naman may pumasok at tinignan na siya.
Nagtataka pero nauunawaan ni Luis, pihado may galit pa rin si Raylee dahil sa nalaman nito at siguro iniisip nito kung hindi dahil doon baka di nangyari ito. Malungkot na lumabas ang isa at muling bumalik sa upuan sa labas.
Pagkatapos ng ilang minuto naglabasan na ang doctor at nurse. Lumabas din ang kuya ni Ray.
"Kuya anong balita, bakit daw, may masamang nangyari?" sunod-sunod nitong tanong.
"Luis ah- ano eh, teka-" parang napapaisip ang isa sa sasabihin nito.
"Anong problema kuya?"
"Ayun ano kasi may dumugo na sugat kumirot tapos narinig ko yung sigaw niya pagpasok namin nagsabi Luis kapatid ko na ayaw na munang makita ka" wika ng kuya ni Ray.
"Ba-bakit, ah hindi pwede kuya hindi ako aalis hangga't hindi siya okay"
"Pero Luis kailangan mo din magpahinga at saka hayaan muna natin na magpahinga ang kapatid ko"
"Kuya please let me stay"
"Luis isipin mo din sarili mo, magpahinga ka muna kasi tawagan kita para maupdate ka."
Wala nang nagawa ang isa....
Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na ang ama ni Ray kasama ang mga apo nito.
-------------------------------------
Luis POV
"Anong balak mo ngayon anak, aba kung ako yung talagang magagalit ako sayo" sermon ni papa sa akin.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...