Anim na buwan ang lumipas nakatapos na rin ako ng una kong sem sa course na business administration. Mahirap siya, masakit sa bangs pero nakasurvive naman.
Buti naman lakas ng backer ko, tita kasi ni Luis yung Dean ng pinasukan ko kaya puro major subjects lang ako.
At ayun masaya din ang buhay nanay at tatay sa kambal, nakakagiliw alagaan. Napakamasiyahin at palatawa ang dalawa kaya hindi mahirap alagaan, tapos ang taba taba nila kaya mas lalong silang naging cute.
Then medyo windang lang sa paghahandle ng negosyo na iniwan ni Kevin sa akin. Pero buti na lang at may support ako mula sa mga bess ko at kay Luis.
Pero wag kayong maingay huh may paflower pa si Luis kapag nadalaw o kaya naman chocolates kaya kung ichecheck mo yung personal ref ko sa office ang dami nang chocolate pwede na akong magbenta.
Pero nagkakaintindihan naman kami na hanggang friends muna kami.
-------------
"Hi mga baby ko andito na si dada" bati ko sa dalawang bata habang pinapalitan ng diaper."O anak andito ka na pala late na kumain ka na ba?" si nanay.
"Marami po kasi ginagawa sa kumpanya at ayun nga po gutom na ako may pagkain po ba tayo?
"Oo naman kumain ka na roon"
"Opo sige po"
Kiniss ko muna ang mga bata bago pumunta sa kusina para kumain.
10:30 na pala hay.......pero ayos kaya ko ito.
------------------
Today is sunday iniwan ko muna ang lahat ng dapat aralin sapagkat kailangan kong paglaan ng oras ang mga anak ko.
"Excited na ba kayo mga baby ko" ang sarap ng expression ng mukha nila na parang nauunawaan nila ang mangyayari.
Kasama ang dalawang yaya at sina nanay at tatay pupunta kami sa isang park pero bago yun ay sinundo ko din ang mga pamangkin ko.
Ganito ang kadalasan kong ginagawa kapag linggo.
Sana si Kevin ang kasama ko wala na siguro akong hahanapin pang iba kung.......namumuo na naman ang luha sa akin mata mabuti na lang nakashade ako.
Nakakamiss ka na kasi betlog.
-------------------
"Eh hindi ko maintindihan ito nakakainis naman kasi"napapakamot ako ng ulo nakakainis kasi hirap pinaaral sa akin ni Luis.
"Kaya mo yan basahin mo ulit tapos ito may isa pa akong book na para makuhanan mo ng sagot"
"Eh kasi naman"para na akong bata na umaarte sa assignment na di masagutan.
"Paano mo masasagutan yan bahala ka babagsak ka niyan."
"Bakit ba kasi ang hirap niyan, math parang awa mo na wag mo akong pahirapan" isinubsob ko ang mukha ko sa mesa, sumakit na talaga ang ulo ko kakainis ka math.
"Tara na nga miryenda na muna tayo balikan na lang natin yan after nating kumain"yaya ni Luis.
Inangat ko ang ulo at tumingin sa kanya.
Tumayo na kami at saka lumabas kami ng office, at sa paglabas naman namin sinalubong naman ako ng secretary ko.
"Sir remind ko lang po kayo sa meeting nyo bukas kay Mr. Alejandro at yung folder po ba na binigay ko sa inyo kanina napirmahan na po ba ninyo kailangan na po kasi ng accounting department at sir tumawag ko si Sir Jimmy kailangan daw nila kayo bukas afternoon para sa isang client ninyo na gusto daw po magfranchise ng coffee shop ninyo."
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...