Kevin and Raylee Part
-namiss ko lang kasi si Kevin.
-pero wala pong Kevin sa totoo buhay hahahaha defensive.Nasa park kaming mag-anak nang nainis na ako kasi ba naman nagbobonding kami pero kanina pa may kausap ang isang ito sa phone.
At isa sa usapan namin, kapag Sunday pamilya lang!
"Mga anak lets go!" sadya kong nilakasan at hinawakan sa kamay ang dalawa at lumakad kami palayo.
Hindi ko rin pinakinggan ang litanya ng dalawa tuloy-tuloy kaming naglalakad palayo, kaasar kasi.
"Hon!" tingnan mo yan kung kailan nakalayo na kami doon niya lang kami hinabol.
Wala di ko nilingon pero tong dalawa nilingon siya at tinatawag pa.
"Wait lang ano bang problema hon" shit nahabol kami ang bagal kasi ng dalawang to.
Sa inis ko hinarap ko siya.
"Hon bakit ba kayo nagmamadaling umalis di nyo man lang ako tinawag?"
"Ang problema hindi mo naalala ang usapan natin at ang usapan natin kapag Sunday tayo lang! tayo lang!" hindi ko na alam kung gaano kataas o kalakas ang boses ko ang alam ko lang galit ako at gusto kong iexpress.
"Sorry na hon, trabaho eh"
"Trabaho?So wala lang ang usapan natin ganoon ba yun? Mag-asawa tayo Kevin at hindi lang magsyota at may anak din tayong pinapasyal ni hindi ka nga namin makausap grabe ano pa ang silbi at namasyal tayong pamilya kung hindi ka makausap." lumapit si Kevinn dito at binuhat naman niya.
"Sorry na hon please tara kain na tayo" at tumingin ito sa dalawa "Mga anak saan nyo gustong kumain?"
At saan pa ba ang isisigaw ng dalawa doon na sa bida ang saya.
Tinahimik ko na sarili ko kinarga si Kervin. Kinukuha pa ng asawa ko ang kamay ko di ako nagpahawak. At hindi rin ako umupo sa tabi niya doon ako sa mga anak namin.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana....
Ang isa pang kinaiinisan ko parang nakalimutan na niya. Ewan!!!!
Ilang minuto ang lumipas pero parang di kami nakakarating sa fastfood at, wait lang kilala ko tong lugar na ito ah!
"Ehem!" parinig ko.
Para wala lang....binuksan niya ang music player and wow huh wedding song namin. Sinasabayan pa niya. Letse!
At huminto kami sa lugar na kung saan ginanap ang 1st Birthday ng mga anak namin ang Event Place nina bess Coleen.
Bumaba na ito at hindi ako kumikilos.
Binuksan niya ang pinto.
"Hon labas na" mahinahon at malambing niyang sabi nakasmile pa ito sa akin, waahhhh tunaw na ang galit galitan kong puso.
"Ano ba ito?"
Bumukas bigla ang kabilang pinto at lumabas ang kambal at nagulat naman ako ng sumisigaw sila ng ninang.
"Ano ba kasi ito?"
Imbis na magsalita nilahad niya ang kanyang kamay. Oh siya sama na.
Pagkababa ko nakita ko si Coleen pati na rin ang inaanak ko. Oo inaanak niya ang mga anak ko at inaanak ko rin ang anak niya hindi namin pinansin yung paniniwala ng iba basta ito ang promise namin sa isa't isa na magpapatibay lalo ng aming sisterhood.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na si Kevin at nilalagyan ako ng piring sa mata.
"Hon ano ba ito?"
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...