"Anak naman nakakainis ka" pinahid ko ang luha ko.
"Bakit po dada di po ba maganda ang ginawa kong kuwento?"tanong ni Kerwin.
"Maganda anak kaso bakit ang lungkot ng takbo lalo na ng ending mo?"
"Hehehe wala dada eh gusto ko kasing tapusin siya ng ganoon at saka nagustuhan ko po kasi yung kuwento na nabasa natin last month eh naalala ko po at doon po ako kumuha ng inspirasyon."paliwag ng gwapo kong binata.
"Paniguradong mataas makukuha mong score sa panitikan anak galing ng pagkakasulat mo." Inabot ko ang papel sa kanya at ngitian ko ang anak ko, nakakatuwa ngayon palang alam kong may mararating na siya..masipag siyang mag-aral simula nga ng magseñior hs siya pursigido.
Bumukas ang pinto at parehas kaming napatingin.
"O bakit ganyan itsura mo anak?" si Kervin, tumabi ito sa akin at saka yumakap.
"O bakit nak may problema ba?"
Tumayo naman si Kerwin.
"Dada alis muna po ako mukhang magoopen na si kambal eh"
Ano kaya ito?
"Anak anong sasabihin mo?"
Naramdaman ko lang ang paghigpit ng yakap ng anak ko, iba ang paghinga niya, may lungkot ang himig.
"Anak sige na magsabi na sa dada"
At doon ko narinig ang pag-iyak niya.
Dama ko na kung ano ito....may hinala na ako sa pinagdadaanan niya na siguro tama nga kutob ko.
Hinayaan ko lang ito umiyak, pinadama ko na lang sa halos ko ang pagmamahal at concern sa sitwasyon niya.
" Everything will be okay anak, kung hindi magwowork talaga ang relationship nyo ayos lang yan anak alam ko naman na you give your best para sa kanya pero ganoon talaga anak eh may mga bagay na kahit gusto natin at binigay natin ang lahat pero hindi talaga laan para sa atin. Huwag kang mag-alala may darating din na papawi ng sakit, bata ka pa at malayo pa ang mararating mo, focus ka muna sa mararating mo anak para maging sa ikakabubuti ng future mo"
"Dada"......yinakap ko na rin si Kervin at sana kahit sa ganito maibsan ang sakit.
Bumukas muli ang pinto.
Hindi ko pinansin dahil inaalala ko ang nararamdam ng anak ko.
"Babe anong nangyayari dito?"ang asawa ko pala.
Kumulas ang bata sa pagkakayakap sa akin, nakita ko yung mukha niya na puno ng lungkot.
Tumayo ito at lumapit sa ama.
"Daddy" muli ito naiyak....
Yumakap din si Luis sa anak namin.
Tumingin lang ako kay Luis at alam na niya ang nangyayari.
Pinaupo namin si Kervin at pinakinggan siya. Masakit din pala para sa isang magulang ito no? Mas masakit kapag nasusugatan sila. Para din akong nasasaksak habang nagkukuwento ang anak ko sa break-up nila ni Dan Carlo.
Grade 11, sila ng maalala kong maging sila. Kita ko ang pagmamahal ni Kervin kay Carlo at gayun din ang isa. Kahit bata pa sila nakikita ko na yun. Hinayaan ko sila sa relasyon nila, basta maging ready lang sa consequences at magpokus pa din sa pag-aaral.
"Nakipagbreak po siya sa akin at natatakot daw po kasi siya na malaman ng magulang niya na pumatol po siya sa kapwa lalaki."dama ko ang kurot sa mga sinabi niya "Kaya pinili niya pong iwan ako at naging sila na po ni Leah"i can't speak at that moment at tangi ko lang nagagawa ay yakapin ang batang ito, masakit ito pero sana kayanin niya. Sana ako na lang ang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RastgeleMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...