Part 29

1.1K 34 2
                                    

Saan na kaya yun?tanong ko sa sarili ko tsk....nakakainis kasi sabi dito na ako sa harap ng sinehan maghintay, ano ba naman itong si Luis.

Traffic?May kausap pa?May Emergency?May nakalimutan?

One hour na......one hour na.......one hour na......asar!!!!

Patingin-tingin ako sa paligid....

Tinext ko siya kung nasaan siya kaso di nagrereply, umuwi na kaya ako di ko na kaya para na akong tanga dito wala pa naman katao-tao dito sa sinehan baka siguro hindi mabenta ang movie na to.

Pero mukha naman siyang maganda.

Hala di ko na kaya....suko na ako.

Akmang lalakad na ako upang umalis nang may lumapit sa akin na mga staff ng sinehan na may hawak rosas at lobo na korteng puso.

"Sir para po sainyo" wika ng isa sa kanila, nagtaka naman ako hindi naman valentines day ngayon.

"Sir lagyan po namin kayo ng piring"sabi naman ng isa sa kanila na may hawak na pulang scarf.

"Huh?Ba-bakit para saan?"nagtataka ako dahil ni wala nga si peste dito eh at ang alam ko lang manonood lang kami .

"Basta po chill lang po sir" sumunod na lang ako wala naman sigurong mangyayari pangbubudol sa akin dito.

"Dahan-dahan lang po kayo maglakad sir" inalalayan naman nila ako sa paglalakad "Ayan sir steady lang po kayo"muling salita noong babae na nag-aalalay sa akin.

Sumunod lang ako sa trip nila.

"Ayan sir ready na po"naramdaman ko na dahan-dahan niyang tinatanggal ang piring.

"Sir mulat nyo po mata nyo"dahan-dahan ko namang iminulat ang akin mata at napamura ako sa isip ko, takip bibig dahil sa aking nakikita.

Isang malaking tarpaulin na may larawan namin ni Luis at may pagbati ng happy 1st monthsary, shit ang sweet nito! May pabulaklak at isang malaking teddy bear at paper bags wow birthday ko ba ngayon?

Hindi ako makareak ng husto kasi gulat na gulat pa ako, ano ba ang gagawin ko?

"Happy first monthsary babe"bati ni Luis, lumapit na ito at niyakap ako awtomatiko rin akong napayakap sa kanya.

"Tha-thank you"

Humiwalay na ako ng yakap after ng ilang segundo "Kala ko ba magmomovie lang tayo bakit may ganitong pakulo, grabe ka huh suprise ako masyado"nahampas ko pa tuloy siya.

"Siyempre kapag mahal ko gagawin ko lahat" may kung ano na naman sa dibdib ko sa sandaling iyon, grabe na siya.

Inakbayan na niya ako at inaya nang pumasok, binilin niya muna ang bulaklak, teddy bear at bags of chocolate sa mga staff, inabutan nila kami ng popcorn ang drinks at saka na kami pumasok at shemay huh!kaming dalawa lang sa loob.

Nakaakbay lang siya sa buong movie hindi na nga namin nagalaw ang aming drinks at pagkain.

Paglabas namin after ng movie ay sinamahan pa kami ng dalawang staff papuntang parking lot. Dala kasi nila yung gift ni Luis,oh di ba bongga may alalay kami, charing.

"Babe take-out tayo ng food kain tayo sa bahay"

Hindi na ako kumontra, ngumiti at tumango na lang ako.

Gusto ko sana sa restaurant inaatake kasi ako ng patay gutom mode ko hehehehe wala eh nagutom ako.

----------------------------

Pagdating sa bahay naroon sa sala ang nanay at tatay nanonood ng balita.

Si Luis na ang nag-abot ng pasalubong sa kanila.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon