The Last Game

559 18 8
                                    

I don't know nalilito ako....
Nakatingin lang ako sa kanya....
Nawiwirduhan ako sa taong kaharap ko ngayon.

Litong-lito ang isip ko bakit ang daming tao dito?
Bakit ako nahihirapang huminga at tila may malabo sa isip ko?
Tangi ko lang nailalarawan ang pakiramdam ko.
Bakit ganito?
Anong nangyari sa akin?

"Mahiga ka muna uuwi na ang mga bata para makapagpahinga ka" wika ng lalaking kahit may edad na ang itsura ay mala-anghel pa rin ang kagwapuhan niya.

"Huwag mo naman akong titigan ng ganyan babe, matutunaw ako niyan eh sige ka wala ka nang asawa"

Asawa?
Anong sinasabi ng lalaking ito?
At mga anak?

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo, pero di ko maigalaw ang katawan ko.

"Oh babe anong masakit sayo?" Naluluha na lamang ako, narinig ang pagbukas ng pinto pero di ko na naiintindihan ang usapan.

Pinikit ko na lamang ang aking mata....

Ano po bang nangyayari sa akin?

Habang gulong-gulo...

May humawak sa aking kamay at isang pamilyar na kanta ang aking narinig.

Hindi ko na maalala ang titulo nito pero ramdam ko na kilala ko ito.

Sa aking pakikinig, unti-unti akong nakaramdam ng kapayapaan, wala na ang sakit, nakakatulog na ako.

Third Persons POV

Isang malakas na sigaw ang inilabas mula na nababalutan ngayon ng kalungkutan ang kanyang pinakawalan.

Hagulgol....
Sobrang sakit na pag-iyak....
Sa pagpanaw ng mahal, mundo niya'y bumagsak.

Walang ibang tunog ang nailalabas sa bibig kung hindi ang pagtangis.

Nagsikilos ang mga nurse upang asikasuhin ang bangkay pati na ang asawang inagawan ng hindi ng ibang tao, na nasa isip niya ay magagawan pa ng paraan. Kinuha na siya ng may likha......

"Babe!" Pagkatapos ng isang malakas na sigaw na yun ay ang paghagulgol muli ng lalaking nagbago ang buhay dahil sa kanya, lumigaya ng dahil sa kanya, naabot ang pangarap sa kanya.

Nabalot ng kadiliman ang paligid, maging ang mga anak ay di na mapigil ang pait sa dibdib. Ngunit ano pa bang magagawa ito na ang huling laro na malalaro ng kanilang mahal.

Ang Huling Laro.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon