Part 38

761 29 1
                                    

Today ang birthday ng mga bata at anniversary ng kamatayan ng asawa ko.

Nakaupo lang ako sa harap ng puntod ni Kevin, pinagmamasdan, hinihiling na narito siya, naiiyak sa nangyayari kung andito ka lang hon hindi ko ito nararanasan.

"Good morning sir" malungkot na pagbati ni Miranda sa phone.

"Good morning din bakit parang ang nega ng boses mo?"

"Sir ayaw ko sanang ipaalam ito pero maaari po ba kayong magbukas ng TV sa channel Tigre kayo manood"

"Para saan?"

"Sir tignan nyo na lang po"

Ginawa ko naman binuksan ko ang tv at agad inilipat sa channel na sinabi niya.

Nagulat ako ng larawan ni Luis at nang babae na hinalikan niya at kausap noon sa mall ang nakaflash nagsasalita pa ang anchor pero parang wala akong marinig tinutok ko ang tingin ko sa headline "Engagement party ng Anak ng isang Business Tycoon na si Mr. Mario......dinaluhan ng mga sikat at....."

Nabitawan ko ang remote at may kung anong bumalot sa akin na kadiliman.

"Tang-ina" di ko na mapigilan ang luha ko.

"Ayon sa source matagal nang magkasintahan ang binatang at ang sikat na model at ngayon dinadala na niya ang una nilang anak."

Last week lang sabi niya uuwi na siya, na miss niya na ako pati ang mga bata at dito na siya for good.

"Mi-miranda"humagulgol na ako.

"Sir kumalma po kayo please"

"Miranda baba ko na to aasikasuhin ko pa ang misa para death anniversary ng asawa ko at birthday ng mga bata."

Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya pinilit ko ding abutin ang remote at patayin ang tv.

Kumuha ako ng tuwalya at pumunta sa banyo.

Kaya ko ito pero pagbukas ng shower napaluhod ako ako di ko kaya.

Bakit ganoon?
Ano bang problema?
Hindi ba pwede tuloy tuloy lang?
Ano ba gusto nila?Ano bang ginawa kong masama?

Hinayaan ko lang bumuhos ang tubig.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaluhod at umiiyak pero natigil ito ng magflash ang itsura ng mga anak ko sa akin isip, oo nga kailangan kong maging okay.

Mabilisan kong ginawa ang pagligo at pinigilan ang lahat at nagpanggap na okay lang ako.

"Anak diretso na kami huh kami na muna bahala" tumingin lang ako kay tatay ng may luha sa mata.

"Anak magiging ayos din ang lahat tibayan mo loob mo at wag kang papa buwag gawin mong lakas ang mga anak mo."

Para akong bata na yumakap kay tatay, para gusto kong ngang magsumbong tapos sugurin namin siya tapos aawayin....shit kasi ang sakit....

Tumatawag nga siya kanina hindi ko sinasagot.

"Tay ang sakit po eh"humagulgol ako kay tatay ang sakit talaga kasi.

"Anak sige lang pero mamaya okay ka na birthday ng anak mo ngayon wag kang manghihina mamaya kawawa ang mga bata."

"Opo"

---------------------------------

Natapos ang party ng puno ng pagbabalat kayo....

Kailangan para sa mga anak ko.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon