Part 58

575 23 0
                                    

Napakalaking barko grabe naman.

"Lets go babe can't wait to see our room doon tayo gagawa ng baby mamayang gabi." maloko talaga tong jowa ko, naglakad na kami ng sabay paakyat ng barko.

"Babe first time ko sa ganito thank you huh?" totoo naman kasi no kahit mapera ako dahil yaman na iniwan ni Kevin sa akin wala pa rin akong karapatang gumasta para lang sa gusto ko at lahat ng mga yun ay para sa mga mahal kong anak.

"Para sayo talaga to babe"hinalikan at inakbayan ako nito at habang sinusundan namin ang crew na nagguiguide sa amin papunta sa room namin.

Ewan lang huh? pero lalong naging sweet si Luis at di ko rin naman siya hinahayaan kahit pagod ako inaasikaso ko pa rin ito.

Binuksan ng crew ang pinto ng isang kuwarto at dito na ang aming magiging kuwarto sa loob ng limang araw ng cruise.

"Babe" hala tong lalakeng to, inaayos ko yung damit namin ng bigla niya akong yakapin sa likuran at sinimulan halik-halikan.

"Uhmmm" napaungol ang landi kasi eh "Ba-be maya na may ginagawa pa ako eh" pero putik naging mas maharot at yung kamay ah shit....

"Doon na tayo sa kama babe aanakan kita ngayon"

Natawa na lang ako sa lokong to kahit naman ilang beses mo akong pasukin di ka makakabuo.

Sobrang pagod kami grabe parang di kaming nagsesex nang isang nakaraan araw lang.

"Mahal na mahal po kita babe ko" at saka siya humalik sa noon ko at mas nadama ko ang init ng katawan niya sa paghigpit ng yakap niya.

"I love you too babe" at dinama ko na lamang ang init ng mahal ko at saka nahimbing na rin dahil sa pagod.

Kinabukasan na kami lumabas at tawang-tawa ako kanya kasi ba naman lamon kung lamon ang ginawa namin tapos hahahahaha nagstay ulit kami sa kuwarto ng siguro limang oras after ng lunch namin sa buffet restaurant, hindi para matulog.....nagloko kasi tiyan niya ayan yabang pa huh kain ng kain hahahaha ayan pabalik-balik ka ngayon sa CR. Buti may gamot ako at saka pamahid. Napikon sa akin kasi tinatawan ko habang pinapahiran ko ng gamot sa tiyan hindi ako kinikibo.

"Ikaw kasi yabang mo sabi nang dahan-dahan food trip pa more babe" tapos tinalikuran ako hahahaha.

Umokay naman ang tiyan niya after pero umoder na lang kami ng food at nanood na lang kami ng movie sa loob ng kuwarto.

Pagsapit ng 12 midnight nagyaya itong lumabas doon lang kami sa labas nagpahangin.

Bumalik din kami matapos ang isang oras.

Sa ikatlong araw....

Nanood kami ng concert, nagcasino kaso para akong bata wala kasi akong alam sa casino eh. Then kain uli sabi ko sa buffet ulit pero tumanggi ito hehehehe kaya kumain kami sa isang Japanese Restaurant.

"Babe doon ulit tayo" turo ko sa spot na tinambayan namin.

Dinama lang namin ang lamig ng hangin. Habang ang husband to be ko ay nakayakap sa likuran ko.

"Mr. Francisco, Mr. Mendoza!" napalingon kaming dalawa sa natawag sa amin.

"Oh kayo pala attorney andito din pala kayong mag-asawa"wika ni Luis ako naman napalapit kay Raymond, naging kaclose ko na ito eh mabait kasi siya.

Beso-beso.

"Honeymoon pre hehehe siyempre gusto ko nang makabuo kami ni misis" birong tugon ni attorney Frank kay Luis kami naman nagkakamustahan ni Raymond.

Tamang kuwentuhan lang, nakakatuwa lang kami na parehas kaming naririto.

Nang dumagongdong ang isang nakakahilakbot na pagsabog na siyang babago ng lahat.

------}}}

"Tama na yan babe" nagulat ako nang at napapunas ng luha.

"Ewan ba diyan sa wife to be mo gusto ata ng marathon ng kuwento may matching crying pa" si kuya Nigel, hala naiiyak pala ako hehehehe.

Nagpahid ako ng luha ko.

"Sorry naalala ko lang"

"Ikaw naman ang tanong ko lang kung okay ka na hahahahaha"

"Sorry na nga eh"

"Teka Nigel bakit ka nga pala narito? Teka tama ba ang balita ko na hiwalay na kayo ng jowa mo?" si Luis, ito na naman tong babe ko aasarin na naman si kuya.

"Bobo mo bakit ako hihiwalayan no pogi ko kaya baka ikaw pa hiwalayan niyan ni Raylee mukha ka kasi unggoy , abno!"naku po ayan na.

Tumayo na ako alam nyo na magsisimula na yan eh.

"O saan ka pupunta?" si Luis.

"Sa silid kaligtasan"

"Huh?"si Luis

Yung isa naman natawa lang.

"Kasi nagsisimula na naman para kayong ano diyan, alis" pinalo ko yung hita ni Luis para makadaan ako.

"Labas tayong tatlo now" biglang pasok ni kuya.

"Saan naman?"

"Kain tayo"si Nigel.

"Ay tamang tama may bagong restaurant malapit dito na masarap ang pagkain at dinadayo" si Luis.

"Wag nang dumaldal pa tara na"

Napatingin ang dalawa kasi nakaayos na ako at dala ang bag.

Wala na silang nagawa kung hindi tumayo at umalis na kami.

Siguro tama nga wag na lang balikan, tapos na naman yun eh at naayos na rin namin lahat kahit na naging challenging yun pero mas doon ko nakita at naramdaman yung puso ng magiging asawa ko.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

At napatingin naman ito sa akin. Ngumiti ako at saka hinalikan sa pisngi nabigla ito. Sinaway pa kami ni kuya hahahaha inggit lang siya.

Salamat babe ko.

Itutuloy......

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon