Yung pakiramdam na parang nagover-time sa pagbubuhay ng mga gulay, prutas at karne sa palengke.
Sakit ng katawan ko.
Pero keber lang masaya akong bumangon napatingin ako sa katabi ko, wala siya. Tumingin naman ako sa orasan at 9:43am na pala. Tumayo na ako para magCR, ay shit wala pala akong saplot. Kinuha ko ang isang bathrobe after magCR at saka nagsuot ng shorts.
Paglabas ko ng kuwarto ineexpect ko na naroon siya pero wala kaya nagtaka ako eh wala naman siyang note or text sa akin, baka naman may kausap lang sa baba.
Uminom ako ng tubig, at napatingin sa oras ng aking phone 9:55am na.
Naisipan kong tumingin sa labas, baka sakaling naroon siya, pabalik na or may kausap lang.
Yung walang negative things sa isip ko nang sandaling masigla pa nga ako.
Pagtingin ko sa kaliwa wala pero nang dinako ko ang aking tingin sa kanan direksyon, napatakip ako ng bibig. Hindi ko inaasahan ang nakikita ko, bumalik ako sa loob at sinara ang pinto nakatakip pa rin ang kamay ko sa akin kamay at hinayaan na dumaloy ang luha sa aking mata.Si-sino yun?
Akala ko ba mahal niya ako?
We made love last night hanggang mag-umaga pero ano yung nakita ko?Pumasok ako sa kuwarto at nagpalit ng damit. Paglabas ko ay naroon na siya maingat pang sinasara ang pinto.
"Hey babe ko good morning" bati nito pero nilagpasan ko lang siya.
Nahawakan niya ako sa braso.
"Wait babe saan ka pupunta?"
"Wala kang pakialam bitawan mo ako" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"Teka" wala na itong nagawa nang ibalibag ko ang pinto.
-------------------------------
Luis PoV...
Maaga akong nagising para iready din ang gamit namin ng babe ko sa paglipad namin mamaya papuntang Canada.
Tumingin ako sa orasan nasa isang oras na pala simula nang mag-ayos ako kaya tumayo ako para mag-unat-unat muna tulog pa naman ang babe ko.
Paglabas ko ng kuwarto tumunog ang aking telepono, at si Melody ang tumatawag.
"Hello?"
"Can we talk?"
"Why?"
"Im just need someone to talk to right now, im sad" dinig ko naman sa boses niya na malungkot nga siya.
"Sorry but i can't"
"Please, im here outside your hotel room i just need someone right now"
"Okay but not for long, my partner is here."
"Yes please"
Nagtshirt ako at saka nasuot ng bathrobe medyo mahaba naman ito kaya okay kaya nakaboxer ako.
Lumabas ako at naroon nga siya.
Nagsimula na siyang magkuwento at ilang sandali pa ay umiyak na ito.
Pinakakalma ko naman siya.
At pinapayuhan...
Ilang minuto lang din okay na daw siya.
So nag-assume ako na pwede na siyang umuwi, kaya inaya ko siyang lumakad mga ilang kuwarto lang ang nilagpasan namin mula sa room ko ay tumigil ito at may hinirit pa na kuwento hinayaan ko lang, pero yung sumunod na ginawa niya pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking batok at hinila papalapit sa mukha niya kaya nagtama ang aming mga labi,naging magpusok siya sa paghalik. Hindi ko alam kung paano pero ang hirap kumawala sa gapos niya di ko naman maitulak at may cctv at baka baligtarin niya ako at nang lumayo ng bahagya ang labi niya doon ako nakatiyempo, tinagilid ko ang aking mukha at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...