"Dada?"yumakap ang pogi kong anak habang nagluluto ako ng fried chicken buti tinakpan ko ang kawali at naglalagay lang ako ng breading baka matalsikan pa siya.
"Yes anak?"tuloy lang ako sa paggawa ko.
"Dada magpaalam sana ako"malambing na wika ng anak kong binata na si Kerwin.
"Saan naman anak?"
"May swimming po kasi ang mga kaklase ko sa isang private resort."
"Kailan ba yan?"
"Sa Sabado po"
"Wait lang anak" bumitaw naman ito at saka ako naghugas ng kamay at tinawag si manang para ituloy ang niluluto ko.
"Eh paano yan anak birthday ng kapatid mo sa Sunday baka di ka payagan ni daddy mo"
"Kaso po dada kasi nakapromise na ako sa kanila eh."
Napabuntong hininga na lang ako, planado na rin kasi lakad namin kaso kung ganyan naman at nakapromise na eh kasi turo din namin yan na kapag nangako gawin, tuparin at magpursigeng maibigay ito.
"Okay sige ganito na lang susunduin ka na lang namin sa resort na pupuntahan nyo at didiretso na tayo sa venue"tugon ko dito.
"Kaso dada baka po kasi di pumayag ang daddy"
"Ako na kakausap sa daddy mo and keep your line open okay para matawagan ka at bigyan mo na rin address nung resort"
Pagkasabi ko nito yumakap ulit ang binata ko at nagpasalamat.
"O sige na tulungan mo muna kakambal mo sa mga kapatid mo tapusin ko lang tanghalian natin huh at parating din ang mga ninang at ninong nyo"
"Talaga po darating po sina ninang Coleen?"
"Opo anak sige lakad na doon"
"Thank you po ulit dada"tamis ng ngiti ng anak ko na dating batabatuta lang ngayon mamang-mama na.
Nagbalik na ulit ako sa ginagawa namin nina manang.
---------
"Wala pa ring kupas ang luto mo mare super!"ang oa talaga nito ni Coleen makapuri wagas hahaha.
"Echos mo bess"
"Totoo naman di ba unggoy"tawag niya kay Luis, hahaha kakatawa talaga tong dalawa na to hanggang ngayon inaasar pa rin asawa ko.
"Oo naman manok daming sinasabi eh kumain ka na lang diyan"sagot naman ni Luis.
"Hay naku ito na naman sila parang bata magtigil na nga nakakahiya sa mga bata kaloka"si Pepay.
"Ayos lang po yun ninong P ang saya nga eh"singit ni Kervin.
"Hahaha sige na kain na tayo daming nyong alam eh"at nagsikain kami.
After ng salo-salo ay nagtungo kami sa garden, pinaayos yun ni Luis para kapag may okasyon pwedeng maging tambayan o pwede roon magkaroon ng maliitang salo-salo.
Kuwentuhan lang naman, and happy to have this kind of friendship na kahit sobrang abala eh di nalilimutan na dumalaw.
Sinamahan na rin ng inuman nina Luis, Samuel, Jayson, Francis at Kuya Nigel at samantala kami naman mga girls eh wine lang at chicken wings o di ba ang charot.
"Sa linggo pala wag nyong kalimutan birthday ni Khlee huh"bigla kong singit habang nagkukuwentuhan kami.
"Gaga ka besh malamang di malilimutan yang birthday ni kulit eh kami punong abala sa handaan at sa restaurant namin gaganapin parang ano to!"tawanan naman kami, gagang to masamang bang magremind.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...