"Hello Marvin nasaan ka na?" pangungulit ko sa kausap ko sa phone na nakakainis ayaw magpakita.
Ito ang kuwento namin kung paano kami nagsimulang dalawa.
Sa internet oo, sa mga gay application the usually story, the usually ways.
"Nakakainip naman" natapos ko na kasi lahat ng paperworks na inuwi ko mula sa opisina, hirap magliquidate ng mga gastos lalo na kung hindi naman sayo.
Nagtype lang ako ng "Hi", "Hello", "Kumusta naman kayo guys" sa GC naming sa isang sikat na gay app.
Marami akong grupong sinalihan para lang maraming makausap lalo na kapag wala nang magawa.
May mga sumagot ng parang ewan.........yung iba naman okay.
Pero sa tagal ko wala akong natipuhan sa kanila, reason?
Karamihan mas bata sa akin.
Karamihan sex lang habol.
Karamihan interesado lang sa una pero wala na.
Karamihan kapag nakatunog na may per aka alam mo na.
Madalang yung mas sense kausap.
Madalang yung serious relationship ang habol.
Madalang yung talagang magtatagal kayo kahit na bilang magkachat kasi both of you interested to know each other.
May mga kachat naman ako na nagiging kaibigan ko at nakakameet pero wala sa kanila yung hinahanap ko eh.
Simple lang naman hanap ko.
Matangkad sa akin.
Taong kausap.
May sense kausap.
Mapagmahal.
Seryoso.
Tapat.
Hahahahaha simple pa pala yun.
Well sige samahan ko na rin ng itsura, sus maging honest na nga tayo.
VIEW.......
"Wow" sino kaya ito kasi naman no madalang may magview sa akin di kasi ako ganoon ka interesting para pag-aksayahan ng time.
View din ako.
Isang bulaklak ang profile pic.
Hmmmppp....
Matanda sa akin ng ilang taon.
30 na ako at 33 na siya..........medyo malayo sa akin nasa 15.34 KM.
Then balik sa gc after makita.
Nakipagkuwentuhan ako sa mga kamember ko and humihirit ako ng hugot.
At nang magsawa ayun bumaba na ako at saka naghanap ng makakain.
"Nay nasaan po pala sina kuya?" tanong ko kay nanay habang nalafang ng kanin at tinola.
"May kinuha lang sa kumpare ng tatay mo bakit?"
Tanong ka, tanong din siya bastos eh charot......
"Wala lang kanina ko pa kasi di naririnig si kuya eh"
"Sige kumain ka ng kumain diyan at tulungan mo akong magsampay ng damit" nge akala ko naman tapos na.
"Okay po"
"Tapos na ba yung mga papeles mo?"
"Patapos na po"
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...