Part 57

593 22 1
                                    

"Babe tara na malalate ako eh may client pa ako" nagmamadali na akong gisingin tong jowa ko ang kulit kasi naglaro kami ng dice at kung anong number ang lumabas yung ang shot na iinumin mo, hahahaha magaling ata akong mandaya mas marami siyang nainom hahahaha.

"Sakit ng ulo babe sige na lakad ka na"pabulong nitong sabi at nagtalukbong muli ng kumot.

"Eh babe sabi mo hahatid mo ako"

"Uhmmm"

"Okay sige kita na lang tayo mamaya"

Umalis na ako at pumasok......back to normal na ako at lahat two months na mula nang matapos ang surgery nasa bansa na kami at bumalik agad ako sa pagtratrabaho.

Pagbaba ko maingay, yung mga bagets namin naglalaro na at nagdadag na ang jowa ko ng yaya para mabantayan mabuti ang mga bata.

"Hello mga baby ko good morning papasok na si dada!" nagsilapit naman ang mga ito at humalik at yumakap sa akin.

"Ingat po dada balik ka aga huh!" si Kerwin.

"Opo dada at saka play tayo maya po!" si Kervin.

"Ako dada turo mo ako color at saka sing tayo" di naman nagpatalo si Klee.

Yung dalaga ko mahiyain.

"Opo mamaya pag-uwi ni dada magplay tayo, sige na pasok na si dada" at pinaghahalikan ko sila.

"Mga ate kayo na bahala sa mga bata ah yung mga vitamins nila at painom din ng tubig at palitan agad ng damit kapag pinagpawisan." habilin ko sa mga yaya, though alam ko naman na alam na nila ang gagawin lalo na sina ate Cora at ate Myrna.

Madali naman akong nakarating sa company. Work time again....

"Sir may meeting po kayo mamaya may Mr. Hernadez at Ms. Miles para doon sa product-"bungad ni Athena bagong secretary ko, kanang panga ko na kasi si Miranda char. Mula kasi ng maaksidente ako siya at si Daniel ang naasahan ko sa negosyo kaya inangat ko sila at dinoble ang sahod because they deserve it. Napakagaling nilang empleyado at napakabuti pa.

"Okay thanks for reminding me at bago ka bumalik sa desk mo kindly call Ms. Miranda and remind her about the schedule of the event and tell her to talk to Mrs. Abe about the proposal and also call Mr. Daniel about the report ng mga deliveries ng bagong kotse okay."

"Opo sir"

Dumiretso na ako sa office ko and unang inatupag tinawagan ang mga iba kong clients sa province para sa pagdeliveries ng mga products today.

Then nagbasa ng mga report mula sa planning department para sa bago naming product na gagawin.

Maya-maya kinulit na ako ng mga marketing staff para sa pagkuha ng kanilang budget para sa lakad nila sa isang probinsya para naman sa pagpapalawak ng naabot ng de lata naming goods.

WAHHHH!!!!!

Kaloka na!

"Tok! Tok!" ano ba yan matapos akong kulitin ng marketing team na lalakad may tao naman.

"Come in"

Bumukas ang pinto at sus ko si Sir Nigel este kuya Nigel.

"Hey kumusta?" napatayo at lumapit sa kanya. Beso-beso ganyan kaming mayayaman eh, char.

"Hey kuya, okay naman ikaw wait yan na ba yung proposal?" balak kasi naming magbukas ng isa pang branch ng supermarket.

"Yes so kailan ang simula natin" parehas pa kaming nakatayo, at loka ka!

"Ay wait tara upo muna tayo kaloka naexcite ako" umupo kami sa may sofa at tinawag ko pa si Athena para humingi ng maiinom.

"Soon kuya, teka tagal mong di nagpaparamdam ah kumusta kayo ni kuya John?"

"Ayon nasa U.S pinagpatuloy ang Phd niya buti iniwan ang bata kala ko kasi isasama pa"

"Ay good naman pala eh ikaw?"

"Busy tapos kumuha na rin ako ng farm para may ibang pagkaabalahan tapos kumuha ng bahay sa Baguio one time doon tayo with your kids para makagala ka"

"Nice naman kuya as of now busy ako super busy kakabalik ko lang eh tapos binabantayan ko din ang bahay na pinatatayo ni Luis for us tapos kinuhanan ko na rin ng kanya-kanyang lupa at bahay alam mo na para ready lang tapos binili ko na yun binibenta na client ko na limang condo units sa Taguig at pinaupahan ko na rin tapos naloloka na ako pero kailangan magpatuloy hehehe nalaki na ang mga bata eh."

"Wow nakakaloka nga buhay mo hahahaha kami busy pero chill lang mas ineenjoy ang magkakasama kami pero now medyo di muna nasa US si lovelife eh."

"Push lang kahit ilang months lang matapos lang yung pinatatayo naming bahay ayos na may balak kaming magbakasyon ni Luis kaya makakachill din but for now busy mode muna para sa bansang Pilipinas."

"Adik talaga kayong magjowa sa trabaho no?"

"Eh nagsisimula na po at pinaghahandaan din namin ang wedding namin sa Vegas."

"Wow nagpropose na ba?"

"Sabi ko kasi hindi na kailangan pero ayon pinaiyak niya ako nasa camping kaming dalawa inaya kasi kami ni Coleen sa Zambales habang nakapulupot sa akin sa tent akala kung ano at binuksan pa ang ilaw tapos nakita ko may hawak na singsing"

"Nice naman at at least finally"

"Eh wait kumusta ka na pala, i mean the-"pahabol nito.

"Ang alin kuya?"

"Yung nangyari sayo nakarecover ka na ba updated ako sa nangyayari sayo after ng incident na yun."

Ang tinutukoy niya ay yung nangyari three years ago......

Balik tanaw tayo.....

After ng surgery.....tutal magaling na.

"Babe look"may inabot na envelop sa akin si Luis.

Binuksan ko naman ito at laking gulat ko na ticket siya sa Five Star Cruise at lilibutin lang naman ang naggagandahang isla ng bansa.

"Wow kailan to ang galing first time ko makasakay sa ganito."

"I'm glad nagustuhan mo binigay lang yan ng client namin"

"Oo sobrang gusto kailan lakad natin?" para akong bata na nasabik sa binigay sa regalo sa akin.

"Sa Friday na at five days yan so solo kita noon hahahahaha"

"Yeah i know at mas okay yun para may quality time ulit tayong dalawa."

"Mag-ayos ka ng gamit mo para di tayo magahol sa time" nagtaka tuloy ako di ba sa Friday pa daw?

"Di ba sa Friday pa naman?"

Tumawa lang ito.

Napatingin tuloy ako sa oras.

"Sheeeeeettttt bukas na pala!" patakbo na akong umakyat sa taas at diretsong kuwarto.

Natataranta tuloy ako huhuhu.

Wait nasaan yung ano ko.....patingin tingin sa paligid wait anong uunahin ko.

Bumukas ang pinto.

"Babe wag ka nang mag-abala okay na ang lahat okay."

Napalingon ako sa kanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Nasa kotse na po ang luggage bag mo and ako na po ang nag-ayos ng gamit mo alam kong matataranta ka hahaha"

Dinaganan ko siya sa inis ko.
Joke lang....

"Tara na sleep na tayo"

"Eh teka paano yung mga bata?"

"Nasabihan ko na ang mga yaya at sinabihan ko din ang mga katulong at andito naman si tatay at bibisita kuya mo kasama mga pamangkin natin."

"Ayos na pala lahat"

"Oo naman kaya chill and tulog na tayo"

"Okay".....at we sleep happily ever after charot.....

Itutuloy...

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon