Part 17

1.3K 45 2
                                    

Nakapagpahinga na ako and ready na ulit makabalik sa ospital.

Okay ang pakiramdam ko at di ako gaanong nagwoworry dahil maayos.naman daw si Kevin at pinaliwanag naman nila kung bakit wala ako.

Nag-ayos na ako ng gamit at naghanda na para bumalik sa ospital. Bumukas ang pinto at si Luis ang pinagbukas ko dahil nga nag-aayos pa ako ng gamit ko sa sala.

"Ray andito na sila Coleen at Pepay" sigaw ni Luis, dumating na sila tumayo ako at para salubungin sila.

"Hi mga bess kumusta? Kumusta si Kevin?" tanong ko agad sa dalawa pagkakita ko pa lamang.

Ngunit nakapagtataka dahil parang may mali kahit na nakangiti sila sa akin.

"A-ayos lang naman siya pero ayun makulit tanong ng tanong kung nasaan ka daw" tugon ni Pepay, pero bakit ganun may nararamdaman akong hindi maganda.

"Ah ganun o sige pahinga na muna kayo ako muna bahala sa kanya" sabi ko sa kanila at tumalikod na ako para bumalik sa sofa kung nasaan ang bag ko ng biglang yumakap sa akin si Coleen na kinagulat ko na parang kinumpirma ang nararamdaman ko.

"Bess mahal na mahal ka talaga niya" ang lungkot ng boses niya na parang nanakit sa aking dibdib ngayon.

"Bess ano ba ang gusto mo sabihin?" humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nagpunas ng luha.

"Coleen may dapat ba akong malaman anong nangyari kay Kevin?" nagsimula nang tumakas mula sa mata ko ang luha ko.

"Wala bess ayos lang naman ang lahat ano ka ba ito naman"hindi ko alam kung maniniwala ba ako kasi pakiramdam ko may tinatago siya.

"Sige na bess i have to go" kumalas na ako at saka at lumakad na sa palabas ng pinto dire-diretso na ako.

Nagmadali na akong lumakad palabas at saka hinintay sa tapat ng kotse ang kasama ko.

Nagpunas ang luha, okay lang ang lahat Ray okay lang ang lahat wag nega.

Sumakay na ako pagkadating ni Luis.

"Ayos ka lang ba?"tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko.

May driver naman kaya walang problema.

Sinabihan ko muna yung driver na sa hospital ulit kami.

"Wala ayos lang" malamig kung tugon.

At bigla niyang pinatong ang kamay niya sa kamay ko "Okay lang ang lahat wag kang malungkot gagaling si Kevin" at pinisil niya ang aking kamay.

"Salamat at  pasensya na" at nagpahid ulit ako ng luha "Arte ko no?hehehe" tang-ina di ko na mapigil feeling ko kasi may masamang nangyari feeling ko kasi noong wala ako may nangyari tang-ina sana di na ako umalis doon, Kevin huwag ka namang bumitaw please.

Hindi na ito sumagot bagkus nilapit niya ako sa kanya at saka niyakap.

"Huwag kang mawalang ng pag-asa gagaling yun"dinig kong sabi nito sa akin.

------------------------

Nakarating na kami sa ospital, actually parang ayaw humakbang ng mga paa ko at feeling ko punong-puno ng negative energy ang pagkatao ko shit gusto kung magmadali pero ayaw makipagcooperate ng paa ko.

"Tara na"

Tumango lang ako kay Luis.

Nagawa ko namang makapasok at dumiretso na kami kung saan ang room ni Kevin.

Sa pagdating namin binuksan ko kaagad ang kuwarto at nakita si nanay na may nililigpit pero wala si Kevin.

"Nay nasaan po si Kevin?"bigla kong tanong at binaba ko agad ang suot kong bag.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon