Part 20

1.3K 58 7
                                    

Makapangyarihan ako, kaya kong mabago ang lahat. Magiging buo kaming ni Kevin kasama ang mga anak namin.

Si Kevin ang maghahatid sa mga bata sa eskuwela at ako naman ang magsusundo sa mga ito.

Sisiguraduhin ko na ang pamilya ko ay kakain lagi ng masusustansyang pagkain at mag-aaral ako ng iba't-ibang luto para masiguro na malusog ang buong pamilya.

Pag-uusapan namin ang mga future plan namin sa mga anak namin at paghahanda namin ang pagkakaroon nila ng magandang edukasyon.

At sa istilo ng pagiging parent pihado spoiled ang mga anak namin kay Kevin pero opppssss, di pwede sa akin yun dapat balance lang, maguusap kami tungkol diyan no hindi pwede bigay hilig kahit na love na love namin sila dapat balance lang di ba?

At tutulungan ko si honey sa negosyo at magsisikap na matutunan lahat upang makaambag sa kanya ng pagpapalago ng aming kabuhayan.

Kapag uuwi ang mga bata maghahanda din pala ako ng makakain nila at ichecheck ang mga notebook kung may assignment or project na dapat gawin. Hindi ko rin kakalimutan yun vitamins nila at gatas siyempre para strong and healthy ang mga baby namin di ba?

At bilang may bahay ng poging kong asawa ko, aasikasuhin ko din siya. Pag uwi niya ihahanda agad ang makakain niya pati na rin ang damit na susuotin niya. Ichecheck ko kung basa ang likod niya o nakainom siya ng vitamins. Sasabayan siyang kumain at kakamustahin sa araw niya. Kung masakit ulo hihilutin ko at kung pati katawan ganoon din ang gagawin ko. Basta masiguro ko okay siya pagkauwi galing sa trabaho.

Gagawin ko lahat para sa kanila kasi ganoon ko sila kamahal.....kaya Kevin please stay.

-----------

Hawak ni tatay at nanay ang aking kamay. Ang puso ko naman ngayon ay napupuno ng saya dahil sa wakas akin lang ang puso ng mahal ko at sa kanya lang ang puso ko.

Ang paligid ay puno ng emosyon, sari-saring emosyon. Pero ako wala akong ibang alam sa ngayon kung hindi dapat maging masaya ako dahil makakasal kami ni Kevin.

Di ko na mapigil yung luha ko sa pagdating niya, ang guwapo pa rin niya kahit ang laki ng pinagbago niya. Hinahatid siya nina mommy at daddy. Umiiyak din siya, "Lord ibless po ninyo ang araw na ito para sa amin please po parang awa niyo na po"bigkas ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang pagdating niya.

Binago lang namin ang set-up ako pa rin naman bride hehehe at siya pa rin ang groom ko.

Sinalubong ko agad sila ng makalapit na, nagmano at humalik din ako kina mommy at daddy.  At niyakap ko si Kevin at saka kiniss.

Ako na yung nagtulak ng wheelchair nito. Hanggang marating namin ang altar kung saan naroon ang magoofficiate ng kasal namin.

Nagsimula na ang kasal.

Hindi ko gaanong pinokus ang pandinig ko sa nagsasalita bagkus hindi ko inalis ang tingin at ngiti sa mister ko at ganoon din siya.

Nang pinatayo kami nakatayo naman ito, hawak-hawak ko ang kanyang kamay at nangangarap sa isip ng masayang at masigla kinabukasan kasama siya.

"Ngayon ay pwede na kayong magpalitan ng pangako sa isa't-isa" ang wika ni father.

Siya ang naunang nagsalita "Una sa lahat hon thank you"at bumuhos na yung luha niya at nahawa ako "thank you for loving me at sa mga sakripisyo mo mahal na mahal kita pagpasensya mo na ako honey ko kasi di na kita masasamahan ng matagal pero pangako sayo kahit sa kabilang buhay ikaw lang ang mamahalin ko at alam mo ba ikaw lang naman ang minahal ko ng ganito lakas ng tama sa akin eh hehehe"nagtawa pa ito pero ako parang dinudurog, sinasampal at sinasakal ang sakit-sakit na "Hon sa totoo lang ikaw lang talaga yun tao na naging sobrang special sa puso ko and thankful talaga ako makuha ang pagmamahal mo, i love you so much Raylee my one and only at salamat sa lahat ikaw at ang mga anak natin kahit na di ko pa sila nakikita at hindi ko natalaga sila makikita pero yung puso ko para sainyo at inyo lang" tang-ina ang sakit di ko kaya pero kailangan kong manatiling matatag at matibay kahit masakit na.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon