Special Part (2)

542 25 1
                                    

Namulat ako at madilim na pala, dahan-dahan akong bumangon mahimbing pa rin ang tulog ng future wife ko.

Hinalikan muna siya sa noo bago bumaba ng kama.

Agad kong tinungo ang switch ng ilaw.

Nakita ko sa may la mesa ang pagkain na binili ni ate para sa amin.

Hinanda kong iinit ito para pagkagising ng asawa ko makakain na ito mainom ang gamot niya.

Maganda ang kuwarto nila malaki at may area na mini kitchen na may microwave, electric kettle, sink at may mga kabinet at dishes cabinet.

Nakarinig ako ng pag-ungol gising na siya.

"Daddy?"mahina nitong tawag.

Napatingin ako sa kanya ang nag-uunat ito.

"Mommy andito ako hinanda ko lang pagkain natin, gutom ka na ba?"tanong ko rito lumapit na rin ako para alalayan siya baka kasi mahilo pagtayo.

"Akala ko iniwan mo na ako eh"malungkot nitong tugon.

Kaya inilahad ko ang kamay ko sa harap niya "I will never do that anymore mommy trust me this time i'll stay and i'll be the best partner para sayo"

Ngumiti ito at inabot ang kamay niya, inalalayan ko siyang bumaba sa kama.

"Hay naku daddy ikaw lang kaya ang naging boyfriend ko and i hope ikaw na rin ang last" yinakap ako ng future wife ko, ang sweet talaga niya. Totoo yun never yan nagkaroon ng karelasyon at ako una at gagawin namin kami hanggang sa huli.

"Alam ko po mommy ko at wag kang mag-alala tayo lang hanggang sa huli"

Binuhat ko siya na istilo ikakasal "Tara na asawa ko kakainin na kita"

Tumawa lang to.

Lumakad na ako papunta sa la mesa.

Enjoy lang, sobrang enjoy nakasama ko ulit siyang kumain.

"Mommy gusto mo bang maligo?" singit ko habang nakain kami.

"Opo samahan mo ba ako?"

"Oo naman hinanda ko na yun bathtub"

"Kaso wala kang pamalit?"

"Pwede naman matulog walang saplot habang katabi asawa ko di ba?"kinindatan ko pa ito.

Tumango lang siya and he smile the sweetest smile, yung smile na gustong-gusto kong nakikita sa kanya. Lumapit ako and i kiss him on his lips.

Kumain kami and siya yung nagligpit ng pinagkainan. Wala namang hugasin puro disposable naman ang lahat.

"Mommy"malambing kong wika, nasa likod ako ngayon niya at unti-unti kong hinuhubad ang suot niyang t-shirt.

"Lalong naging sexy at hot ang mommy ko" nangiti lang ito.

At sinunod ko naman ang pang-ibaba niya at tanging underwear lang ang natira.

Ako hubad na, excited lang hahahaha.

Niyakap ko siya mula sa likod, dinama ko ang katawan niya. Namiss ko yung ganito namin. I started kissing his neck, and mukhang tinamaan niya kasi napapahawak siya sa kamay ko ng mahigpit at ang isang kamay ay nakahawak sa mukha ko.

"Da-"parang mauubusan siya ng hininga lalo ng dilaan ko ang loob ng tenga niya "Da-daddy maligo na tayo ang baho ko eh" hininto ko and i hug him tight at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at tabing-tabi ngayon ang mukha.

"I love you" malambing kong sabi sa kanya.

Kinalas naman niya ang pagkakayakap ko at humarap ito at hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan at hinubad ang underwear niya at saka tumakbo sa loob ng banyo.

Naghubad na rin ako at sumunod sa kanya.

Walang naganap nakasandal lang siya sa akin at nagkukuwentuhan lang kami about what happen from the past months na dumaan sa amin nasa isang taon din ang tagal ng pagkakahiwalay namin.

Mahirap nang makatagpo ng taong ikaw lang ang mahal at hindi na tumitingin sa iba, mahirap na rin makakita ng taong di ka paasahin lang kung hindi ikaw lang ang pag-asa niya at ikaw lang din ang pag-asa niya, ang hirap makakita ngayon ng taong hindi ka lolokohin anuman ang nangyari......pero ako sobrang masuwerte to have my mommy Ricky as my partner and everything.

At ganoon na nga natulog kaming hubo't-hubad.

Sinama ko siya sa hotel ko para makapagpalit na rin ako ng damit.

"Mommy may ipapakita ako sayo" nasa CR kami ngayon at naghihilamos siya nang pakita ko ang video na pinost ko sa isang social media app. Umabot na sa 206 ang likes nito.

"Hala daddy bakit mo pinost tapos tulog na tulog ako nakanganga pa eh" nakasimangot ngayon ang mommy ko.

"Pakinggan mo kasi yung message mommy"

Pinanood niya ito at nilakasan ko yung volume.

Alam ng mga kilala, kaibigan, kamag-anak at pamilya ko ang nararamdaman, kung ano ako, para kanino ako, sino siya sa buhay ko at anong plano ko para sa aming dalawa.

Wala na akong pakialam sa anumang sasabihin ng iba basta ako mahal ko siya, akin lang siya, mabubuhay ako kasama siya, bubuo kami ng alaala magkasama at higit sa lahat bubuo kami ng pamilya naming dalawa at magmamahalan kami.

Napatakip siya ng bibig at tumingin sa akin ng may luha sa mata, mababakas ang ligaya na animo may isang malaking supresa itong binuksan ay nilaan para lamang sa espesyal niyang araw. At doon mula sa pag-iyak, humagulgol na ito...ako binunot ko sa bulsa ko ang kahon.

Seselyohan ko na ang pagkakataon na ito.

Hindi ko na hahayaan makawala, mawala at masira pa kami.

Gagawin ko lahat para sa aming dalawa.

Siya na mula ngayon ang buhay ko.

Siya na mula ngayon ang liwanag ko.

Siya na mula ngayon ang pag-ibig ko pang habang-buhay.

Lumuhod ako at nilahad ang kahon sa harapan ng taong, nasaktan ko pero pinapangako ko hindi ko na muling gagawin.

"Mommy will you marry me?"

"Op-opo daddy papakasal ako sayo"

Pumatak na rin ang luha ko at dali-dali akong tumayo at kinuha ang kamay niya at sinuot sa kanya ang sing-sing "Pangako ko sayo hindi na kita sasaktan at mamahalin kita habang may buhay ako, i love you mommy ko" at niyakap ko siya ng buong higpit.

Pinakalma ko na rin ito dahil baka himatayin na naman siya.

Nasa plano ko talaga na ito.

Ang gawin siyang kabiyak at di na pakawalan kahit kailan.

"Are you okay mommy?" tumango lang ito at pinahiran ko ang luha niya.

"Mommy suot mo naman sa akin to oh?" inabot ko naman ang isa pang singsing sa kanya.

"Bakit papakasalan mo ba ako?" at saka siya bahagyang natawa sa sinabi niya.

"Oo naman kahit saan pang simbahan"

At kinuha niya ang kamay ko at sinuot sa daliri ko ang sing-sing.

And i hug him again "Thank you po mommy ko, i love you"

"Thank you din daddy ko, i love you too"

I ask him to take a picture siyempre pinakita namin ang singsing namin and i posted it.

Tumawag agad ang parents ko at parents niya para sa confirmation.

Uuwi na kaming dalawa para official nang magpaalam sa aming pag-iisang dibdib.

Salamat at hindi ako nabigo.

Salamat at hindi siya nawala sa akin.

Salamat at Ricky ang taong mahal ko at wala ring ibang ginawa kung hindi mahalin ako ay magiging akin na habang buhay.

Salamat sa lahat.

Balik po tayo kay Ray at Luis.....

Itutuloy

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon