Part 28

1.2K 43 0
                                    

Nasa misa kami ngayon, its the first death anniversary ng betlog ko, hay naku Kevin kung nasaan ka man namimiss na kita.

Nakatitig lang ako sa isang malaking krus habang inaalala ang nakaraan.

Kung pwede sanang ibalik ang lahat at walang sakit si Kevin at narito na sana siya eh di sana kumpleto na ang pangarap ko.

Tumatayo ang balahibo ko, feeling ko nilalamig ako kahit hindi naman malamig.........

Pumapasok ngayon sa isip ko yun mga bagay na pinagtatalunan namin noon, pinagkukuwentuhan namin, pinagtatawanan namin yun sandali na dinadama namin ang halik ng bawat isa yun nasasaktan ako dahil sa laki ng titi niya hehehehe ayan tuloy nangiti ako pakiramdam ko para akong baliw na may umaagos na likido sa pisngi ko.

"Ayos ka lang ba?"si Pepay mabuti nga nakasama ko siya ngayon.

"Ayos lang ako bess naalala ko lang siya"

Hinawakan niya ang kamay ko at ngitian at nagpatuloy kami sa pakikinig sa misa.

Natapos ang misa at kinuha ko si Kervin sa yaya niya at si Pepay naman ay binuhat si Kerwin.

Napahigpit ang yakap ko kay Kervin, habang nagpapatuloy ako sa pag-iimagine na sana andito ang kanilang daddy.

"Anak andito na yung mga bulaklak at kandila na dadalhin natin sa memorial" si nanay inayos niya kasi yung mga bulaklak na dadalhin namin tapos si tatay ang driver namin, good thing din na narito sila at least kung anuman may aalalay sa akin.

"Bess una na kayo pumasok" binuksan ni ate Cora ang pinto at pinauna na kaming pumasok ni Pepay sa loob at sumunod naman siya at pumuwesto sa likod ang dalawang yaya dala dala ang gamit ng mga bata.

Sa Memorial naman ang diretso namin after ng misa para kay Kevin. Hindi nakapunta ang pamilya ni Kevin sa misa at doon na daw sila sa Memorial didiretso.

-------------------

"Babe sorry di ako nakapunta kanina sa misa kausap ko kasi kliyente namin kanina eh" bumeso si Luis sa akin at hinalikan sa pisngi si Kervin na bitbit ko at pumunta ito kay Kerwin na dala naman ng ninong niya at saka din kiniss.

"Okay lang babe andiyan na pala sina mommy sa loob lumabas na muna kami naiinip kasi itong dalawang bata." tugon ko pagkabalik niya sa akin.

"Babe pasok muna ako huh"sabi Luis.

"Opo sige babe papasok  na rin kami maya maya"

Nang makaalis si Luis biglang lumapit si Pepay at sinundot ako sa tagiliran.

"Bess huh may hindi ka sinasabi nang nakaraan pa yan narinig ko na tawagan ninyo sa food tasting pa lang, kayo na ba ni Luis?"

"No, hindi pa naman kami tawagan lang naman yun"

"Naku tawagan ang echos mo bess"

"Promise bess hindi pa pero okay  kami at okay naman siya sa akin at alam mo bang nag usap na sila ni Kevin noong habang ginugupo siya ng sakit niya and binilin din kami ni Kevin kay Luis since nalaman ng isa na may gusto daw si Luis sa akin at okay sila naging okay ang usapan nila kahit sa pamilya namin kung magmahal man daw ulit ako basta wag lang mapabayaan ang mga bata okay na okay rin sa kanila." mahaba kong saad.

"Galing naman, at least may blessings din mula kay Kevin kung maging kayo ni Luis and okay din naman sa amin si Luis eh at nakikita naman namin na mahal na mahal na nang taong yun"

"Salamat bess"

Nang ilang sandali ay bumalik na kami sa loob, kinuha naman ng lola at lolo ang dalawa at aliw na aliw sila sa kanilang apo na madaldal at ubod ng likot.

Love is not a game its a test!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon