Gerald and Rick....
"Salamat ate Mayla" siya ang kausap ko, ang naging daan ko para matunton siya.
"Please sir Gerald wag mo nang sasaktan si Ricky alam mo ba kung gaano kasakit lahat sa kanya, awang-awa ako sa kanya ng sobra kung maari lang makihati sa sakit na pinagdadaanan niya gagawin ko, mahal ko si Ricky" hinawakan niya ako sa kamay at tumingin sa akin na puno ng pagnanais na magawa ko ang pangako ko "Kapatid na ang turing ko sa kanya at mabuting bata yan kaya please lang sir Gerald ginagawa ko ito dahil alam ko hanggang ngayon mahal ka pa rin niya, please lang po"
"Opo ate Mayla kung alam nyo lang ang pagsisi ko sa nagawa kong mali"
"Sige na puntahan mo na siya" binitawan na niya ako at saka lumabas ng bar.
Mommy ko andito na ako please.....
Lumapit ako sa kinauupuan niya, nasa counter ito at nakikipagkuwentuhan sa barista. Mukhang gamay na niya ang lenguwahe rito.
Umupo na lamang ako sa tabi niya and may lumapit na barista sa ang i ask him for lemonade paboritong inumin ni Mommy, ewan ba anong ginagawa niya sa bar at natuto na rin uminom yata.
Pagkaabot ng inumin, ito na Gerald lakad na kaya mo ito.
"Mommy?" tawag ko rito.
Sa una di ata ako narinig pero buti na lang nasikip kasi ang dibdib ko natatakot ako sa maaaring mangyari o kalalabasan nito.
"Mommy?" sumenyas ang baristang kausap niya sa akin and doon siya unti-unting lumingon sa akin.
"Lemonade mommy?" inabot ko ang baso at kinuha ang baso ng alak sa kamay niya "Marunong ka na palang uminom" mahinahon kong wika "Ito na lang inumin mas mabuti ito sayo."
Mapait na ngiti lang ang sinagot nito at saka nagsalita sa barista at tumayo.
Agad ko naman pinigil ito hinawakan ko siya sa braso, di siya tumitingin sa akin.
"Please mommy ko patawarin mo na ako nagsisi na ako"
Unti-unti itong lumingon sa akin at nababasa ng luha namumula nitong pisngi, basa ko sa mata niya ang pait, sakit at lungkot.
"Ba-bakit ka pa nagpakita!"nagpumiglas ito.
"Mommy andito ako para humingi ng tawad please" hinigpitan ko ang hawak pero nagpupumiglas ito "Please mommy pakinggan mo naman ako"pagmamakaawa ko.
"Sana noon pa, sana noon pa" hindi ko na rin kinaya naiyak na rin ako sa paghagulgol niya nakayuko na ito.
"Ak-ako ba pinakinggan mo noon?" pinahid niya ang kanyang luha gamit ang isa niyang kamay "Hindi Gerald hindi mo ginagawa"
"Kaya ako narito kaya kita pilit na hinanap, mommy ko kailangan kita, mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo, ang tanga ko-" napahagulgol na rin ako "Ang tanga ko mo-mommy ko ang gago, bobo, hayop ko"
"Sa labas na kayo mag-usap nagtitinginan na sila" si Ate Mayla.
Inalalayan ni ate Mayla si mommy.
"Please patawarin mo ako" paulit ulit kong sinasabi habang naglalakad kami palabas ng bar.
Sinalubong kami ng malamig na hangin sa labas.
"Please"
At isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napatagilid ang mukha ko at dama ko ang sakit.
"Para yan sa kawalan mo ng tiwala sa akin"
At isang sampal pa na tinanggap ng kabilang bahagi mukha ko.
BINABASA MO ANG
Love is not a game its a test!
RandomMinsan hindi mo na alam kung ano nga ba ang gustong mangyari ng tadhana sayo, may pagkakataon na may ibibigay na akala mo ay bubuo na sa iyo pero biglang itong babawiin sa di malamang kadahilanan. Ngunit bigla na lang may gugulat sayo, gugulat sa pa...