Chapter 6

94 4 0
                                    


RHETT POV

"Ohhh! Dongsaeng, para kang sabog. Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Bungad na tanong agad ni Noona paglabas ko ng pinto ng kwarto ko. Tch. Paano ba ako makakatulog ng maayos kung ang panget na mataba ang laging pumapasok sa isip ko. Gusto ko siyang gantihan, hehehehe kulang pa ang pagbato ko sa kanya ng bato.

"Oo tch!." Sagot ko at sabay nguso.. Sabay na kami ni Noona na naglakad pababa ng hagdan..

"Sino ba ang dahilan, bakit ka napuyat?" May ngising tanong nito sa 'kin.. tch, pang-asaaaaar talaga si Noona. "-Sino ang babaeng yan hah?" Panunukso pa niya.

"Tch. Noona, wala. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos.." Asar na sabi ko sa kanya at nagmamaktol na naglakad papunta sa dining area.

"Asussss!" Rinig kong panunukso pa ni Noona. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy sa paglalakad, naabutan ko si  Manang Karen na naghahain ng pagkain.. Wala nga pala sila mommy at daddy. Kaya kami na lang muna ni Noona ngayon, hayst!

Umupo ako at nagdasal at nagsimula ng kumain... Bahala si Noona riyan. Pssh! Mabilis kong tinapos ang breakfast ko at tumayo na pero hinawakan ni Noona ang braso ko.. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan..

"Sabay na ako sayo dongsaeng hehehehe.." Sabay puppy eyes nito. Psshh! Baliw talaga si Noona..

"Sige na, sige na!" Parang sumusukong sabi ko.

"Yesss!! Tara.." Tuwang-tuwang sabi nito.. Pero sumubo pa ng isa at nauna nang naglakad palabas ng bahay, napapailing na lang ako sa kabaliwan niya.. Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaandar na yun..

"May sarili ka namang kotse Noona, bakit sumabay ka pa sa 'kin?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.. Napapatingin ako sa kanya na may katext sa phone niya.. Boyfriend niya siguro psshh!!

"Hmm. Pag dadalhin ko ang kotse ko, hindi ako makakasabay sa boyfriend ko pauwe.." Ngusong sabi nito habang nagtetext.. Haynako Noona! Para siyang si Aki, nababaliw sa pag-ibig! (>>___<<)

Pag-ibig nga namaaaaan! Ano bang meron dyan sa pag-ibig na yaaaan? Nakakasakit lang naman ng damdamin, puso, abdo, bituka, at nakakagulo lang naman ng utak yan! huhuhu! T_____T

NAKARATING kami sa Imperial International University ng hindi kami nagkikibuan ni Noona dahil sa busy siya sa kaka-text.. Nang mai-park ko na ang kotse ko ay napatingin ako kay Noona na sobraaaaang lawak ng ngiti. >>>_<<<

"Thanks for the ride dongsaeng, hihihi love you!" Sabi nito sabay kiss sa pisnge ko.

"Arrgh! Noonaaaaaa." Asar na sabi ko, pero tumawa lang siya at lumabas na ng kotse ko dahil sa college campus pa siya..

Baaaadtrip naman akong lumabas ng kotse ko, hindi ko na pinansin ang bulungan ng mga babae sa paligid ko at walaaaaaa akong pakeelam dahil hindi ako nakatulog ng maayos.

Naglalakad na ako ngayon ng nakita kong naglalakad sa hallway si panget, Niceeee! Iba naman ang outfit niya, kung kahapon palda na halos hanggang paa at longsleeve, ngayon naman maluwag na T-shirt na naka jacket at medyo maluwag na pantalon?? yak! Baduuuy talaga. Manang pa kung manamit.. Ang taba-taba niya at ang dami niyang fats.. Yuck!

Naglalakad ako na nakatingin sa panget na yun na walang emosyon na naglalakad din.. Hmm, may kasama siya? Well, medyo may itsura naman ang kasama niya pero baduy din ang porma, dahil naka pantalon ito at naka T-shirt din. Mas okay pa ang suot niya kesa sa panget na 'yun.. Nandito lang ako sa likod nila sa di kalayuan.. Parang hindi nga nila pansin na nandito ako eh..

"WOW!! Insan, sobrang laki talaga nitong Imperial International University.." Halatang manghang-mangha na sabi nung babaeng kasama ni panget.. Tskk, ignorante.. Insan?? So magpinsan silang dalawa? Kaya pala, parehas silang baduuuy!! Napatingin naman ako kay panget na wala parin emosyon at hindi pinansin ang pinsan niya.. Bad!!

Whisper Of Our HeartWhere stories live. Discover now